[45] Black

37 3 0
                                    

Kasama ko ngayon ang mga tropa ko. Hinihintay namin ang senyales ni Mel. Gusto daw kase nilang marinig ang boses ni Azura para malaman kung totoo nga ba daw ang sinabi ko. Dahil isa sa mga staff si Mel kaya ginamit niya ang kanyang laptop para i-unblock ang call buttom ng conversation namin. Hindi yun mapapansin ng iba dahil siya ang naka-assigned na maging watcher namin.

"hindi pa ba?". Pagmamadali ni Sheena.

"ayos na". Sabi ni Mel habang nakatingin parin sa laptop niya. Binalik kona ang atensyon sa cellphone ko at ganun din sila. Nilayo kopa ang cellphone ko sa kanila bago pindutin ang convo namin.

"aysus may pa private pa si Killian". Pangungutya ni Rick sa akin. Tumawa lang ang iba kong kasama. Nang makita kong naka-unblock na nga ang call buttom, pinindot ko ito at pinakita sa mga tropa ko. Nagr-ring na ito at lahat sila naka-tutok sa cellphone ko.

Mukhang sila pa ang atat na maka-usap si Azura.

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon