[98] Azura

32 4 1
                                    

After 1 week...............

“sasama ako sa inyo mamaya, saan ba punta niyo?”. Tanong ko kay Ruth. Bigla namang kuminang ang mga mata niya habang nakangisi.

“talaga?”

Tumango ako.

Sinabi kase ni Killian na hindi ako pupunta sa bahay niya ngayon at para makasama korin ang mga kaibigan ko at ganun din siya. Pero wala man lang ako nakatanggap na tawag mula sa kanya siguro nag e-enjoy sila kaya siguro kailangan ko ring i enjoy ang sarili ko.

............

Gaya nang dating gawi nag videoke kami na malapit lang sa bahay ni Lj. Maraming snacks at soft drinks ang makikita sa mesa. Naeejoy ako pero si Killian parin ang iniisip ko. Hindi kase ako nakatanggap ng message sa knya mula pa kanina.

“ayos kalang?”. Tinabihan ako ni Jack. May hawak siyang curls na kinakain niya.

“magkaka UTI ka talaga”. Balin ko sa kanya.

“if you say so”. Nilapag niya ang bag ng curls sa mesa at humarap ulit sa akin.

“namiss ko siya”. Anas ko. Hindi na siya nagsalita. Buti nalang hindi na nila ako tinanong kung bakit hindi kami magkasama ngayon. Siguro dahil alam na nila na araw-araw nalang kaming magkasama.

Matapos ang videoke namin umuwi na kami at bukas mag f-food trip daw kami sa street food. Sasama ako kung hindi tatawag si Killian.

Umabot pa nang kinabukasan wala paring text mula sa kanya. Kaya ngayon nasa street food kami. Buti nalang masarap ang mga pagkain ko dito kaya nae-enjoy ako.

Matapos ang food trip namin. Ngayon nakauwi na ako. Nakahiga ako sa kama ko at kakatapos kolang mag half bath.

Sa dalawang araw na hindi ko siya naka-usap hindi ako mapalagay at namimiss kona rin siya. Sinubukan ko siyang tawagin ngunit hindi niya naman sinasagot.

Sa kakahintay ng tawag niya nakatulog ako.

.....................

Pangatlong araw na ito ngunit wala parin akong natatanggap na message mula sa kanya.

“alam mo ba saan ang lugar na iyon?”. Tanong sa akin ni Jack. Dahil nakiusap ako sa kanya kung pwede niya akong dalhin sa bahay ni Killian gamit ang motor niya. Tumango ako sa kanya. Kaya ngayon papunta na kami sa bahay ni Killian. Binigay niya sa akin ang extra niyang helmet at sinuot kona ito saka sumakay sa motor niya.

Matapos ang ilang oras ay nakarating na kami sa bahay ni Killian. Bumaba na ako sa motor ni Jack at tinanggal ang helmet. Mabilis akong naglakad papunta sa gate. Huminga muna ako nang malalim bago i-pindot ang door bell. Mga ilang minuto lang bumukas ang gate at bumungad sa akin ang katulong nila.

“nandyan po ba si Killian?”. Magalang kong tanong sa katulong nila.

“wala po dito, umalis sila kasama ang mga kaibigan niya. Sa biyernes pa ang uwi nila”

“ho? Saan sila pumunta?”

“dumating kase si Dr. Martinez ang ama ni sir Killian at pinapunta sila sa probinsya kasama si sir Jules at mga kaibigan niya”

“ganun ho ba, salamat po. Babalik nalang ako sa biyernes”

“pero hindi ko po alam kung sa biyernes ba talaga. Basta narinig ko babalik dito si sir Jules sa biyernes.”

“salamat po”

Matapos naming magusap tumalikod na ako at rinig ko namang sinarado niya na ang gate. Matamlay akong lumakad papalapit kay Jack. Gusto kong umiyak pero dahil nandito si Jack pinipigilan ko. Sinabi ko kay Jack ang lahat na sinabi sa akin ng katulong nila. Napakagat labi ako habang kinekwento sa kanya. Ayaw kong umiyak sa harapan niya.

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon