[53] Black

47 5 1
                                        

Nang mag out ako sa VR hindi ko mapigilang ngumisi. Kaya ayaw kong bumabanat siya sa akin dahil napapangisi nalang ako at baka isipin pa nang iba na nababaliw na ako. Buti nalang nasa tambayan ako ngayon at nakatalikod silang lahat sa akin. Sinabi niya sa akin na ang mga banat niya ay galing sa mga naging assigned virtual partner niya noon.

Nilapag ko na ang cellphone ko sa mesa at pinwesto ang siko ko sa mesa at pinatong ang baba ko sa kamao ng kamay ko habang nakatitig sa cellphone ko.

Sa totoo lang wala naman talaga kaming practice. Dahil ano naman ang ip-practice ko?

Pero isang linggo nalang palaro na namin at isang linggo nalang mag t-3 months na ang Relationship namin.

Nirason kolang iyon para hindi masagot ang tanong niya. Kahit na hindi pa siya nag tanong alam kong kukulitin niya ako.

"You're my dream come true". Bulong ko sa sarili ko. Yun ang nasabi ko sa kanya kanina.

Dati ko pa siyang pinangarap at ngayon natupad na. Buti nalang gumana ang plano kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko nang hindi napapansin ni Mel dahil naka japanese naman iyon pero gaya nang pangako ko kay Mel hindi ko sasabihin ang pangalan ko. Dati ko pa siyang gustong maging Virtual partner at para makilala siya dahil nalaman kong hindi siya nag a-active sa community at wala rin siyang naging malapit na kaibigan na ibang player. Newbie tong account ko ngunit matagal na akong player sa ibang pangalan. Kahit na siya ang nauna sa akin ng isang taon mas marami parin akong alam sa kanya tungkol sa laro.

Nang makita ko ang standard niya noon. Hindi naman siya yung sinasabi nila na baka pangit daw kaya walang kaibigan o ano pa. Kaya gusto kong malaman mismo kung ano ang totoo.

But I never thought she would turn my world upside down. Before I realized it, I've already got feelings for her. But the most important is she also love me and that I can't stop thinking about her.

All I can think is her. What face she would make if we have meet each other.

At yung kamay niya kung gaano kaliit.   Kung gaano ka sarap sa pakiramdam ang makita niya akong kumakanta sa harapan niya.

Ugh!

Napa-face palm nalang ako sa ideyang iyon.

"I wan't to touch her". Bulong ko habang hindi inalis ang tingin ko sa kamay ko. Agad akong bumangon at kinuha ang notebook at nagsimulang isulat ang mga bagay na nangyari ngayong araw.

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon