[82] Azura

37 4 0
                                        

August 31, 2020...

“Amalie!”. Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Jack. Nakaporma talaga ang itsura kala mo naman may date. May date?

Wait.

Kami lang dalawa ngayon baka iniisip niya na date to?.

Ugh ano ka ba naman Amalie, feelingera ko naman. Ganito lang  talaga mag damit si Jack, maporma talaga siya. Masasabi kong gwapo siya ngayon dahil sa damit na suot niya. Ang laki ng ngiti niyang sumalubong sa akin kita ko tuloy ang malalim niyang dimple.

“ang cute ng itsura mo ngayon”. Puri niya sa akin na pinagtaka ko. Yumuko ako para tingnan ang suot na damit ko.

"huh? Saan banda? Bulag kaba?" tawa kong sabi. Nasuntok ko ng mahina ang braso niya at umaakto naman itong nasasaktan kahit hindi naman iyon kalakasan at malaki ang naman din ang katawan niya.

Walang cute sa itsura ko dahil nakalugay ang mahaba kong buhok at naka plain t-shirt at black jeans saka itim na sapatos. Anong cute doon?

“basta”. Sabi niya at nag iwas ng tingin. I just made a face.

“tara na”

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon