Buong klase ay lutang ako. Nakikinig naman pero lumalabas sa tenga ko ang lahat na maririnig ko kaya hindi ko ito naisasaulo. Buti nalang walang quiz o ano mang test ngayon.
Hindi ko talaga akalain na ang kausap ko noon ay isa rin palang King of Player kaya ba ganun nalang ang alam niya sa laro kesa sa akin? At ganun nalang ang pagkahulog ko sa kanya. Pero hindi yan ang gumugulo sa isip ko kundi ang paano na kame? Paano kami magkita kung naka shut down ngayon ang site at hindi niya man lang sinabi sa akin ang totoo niyang pangalan dahil ang sinabi niya ay ang totoo niyang role player.
Namimiss kona siya, bawat minuto iniisip ko siya. Hindi siya mawala sa isip ko. Lahat nang naririnig at nakikita ko nagpapaalala sa kanya. Nababaliw na ang isip ko sa kakaisip ano na ang mangyayari sa amin. Paano na yung mga pangako niya?
“anong gagawin mo ngayon?”. Tanong sa akin ni Ruth. Mapait ko siyang ngitian at kumibit balikat.
“dati nung na hack ang site, naka shut down ang site sa loob ng dalawang linggo”. Napabalin ako kay Jack dahil sa sinabi niya.
“ganun ka tagal?”. Tumango naman siya.
Hindi ko na alam kung makakausap ko pa siya pag-naka balik na ang site.
Matapos ma shut down ang site tinawag nila akong dalawa. Para mag comfort dahil alam nila ang jowa ko sa VR. At alam nila na 4 days nalang bago kami magkita ni Black. Mula pa kanina napahawak ako sa keychain na binigay sa akin ni Black noon. Isa itong key chain na binili niya mula sa festival na pinuntahan niya dati. Tatlo lang ang ginawa ng may ari kaya binili niya na lahat para wala siyang magkasing-tulad na keychain. White akin black naman yung sa kanya.
Yumuko ako para tingnan ang keychain na nasa kamay ko. Siguro tatlo lang ginawa niya kase mahirap to gawin.
BINABASA MO ANG
YOUR NAME (completed)
Teen FictionA/N: this is a short narration! Plot Summary: A Dating site that officially under controlled by the so called government. Site that'll connect to your phone system to protect your true identity from your assigned virtual partner. Called Virtual Rel...