‘habang kinikwento mo sa akin ang nangyayari sayo bago tayo nagkita. Yun ang unang beses kitang narinig na mahaba ang sinasabi. Habang pinagmamasdan ko mas lalo kong gustong mabuhay pero hindi pwede. Gusto kitang makasama pero parang ayaw ng mga kapalaran natin. Dahil tao lang ako kaya wala akong magawa kundi sundin ang kapalaran kahit na gusto ko itong baguhin pero malabo na.
Dinala kita sa lugar na kung saan palagi kong pinupuntahan. Hindi ko sinabi sayo yan dahil nang makarating tayo doon pilit kong inaalala kung bakit kita dinala doon dahil biglang kong nakalimutan pero hindi ko lang pinahalata sayo. Kinakabahan talaga ako habang kumakanta sa harapan mo. Masaya ako dahil nakakasama kita. Unti unti konang nakakalimutan ang pinanggagawa natin nung araw na iyon. Basta ang naalala kolang ay kumanta ako sa harapan mo. Sa tuwing nakakalimutan ko ang mga alala natin pilit kong sinisigaw sa isip na sana may himala na sana bigyan ako nang chasang mabuhay pa dahil gusto kitang makasama. Tama nga si Jules na habang tumatagal mas pinapahirapan kolang lang ang sarili ko. I love you mahal na mahal kita’.‛May gabing nakakalimutan ko na ang pangalan mo kaya sa tuwing gabi palaging maingay ang kwarto ko dahil sa sigaw ko.... ’
Biglang sumanib sa isip ko ang sinabi ni Jules sa akin kanina.
“minsan naabutan ko siyang nagwawala, galing ako sa eskwela nun. Narinig kong nagwawala siya dahil lang sa nakalimutan niya ang pangalan mo at nakalimutan niya rin na sinulat niya sa notebook ang pangalan mo”
Mas lalo akong napaiyak nang maalala ang sinabi ni Jules. Bumalik na ko sa pagbabasa.
‘Amalie!Amalie Amalie! Your name..’
Niyakap ko ang papel na iyon at kumuha ulit nang bagong papel.
‘masaya ako dahil nakisama ang kapalaran sa akin. Hindi ko nakalimutan ang lahat ng gabing ito. Habang sinusurpresa ka nakiusap ako sa iba na tulungan ako. Noong gabing ito hindi ko nakalimutan ang gusto kong sabihin sayo. Nasabi ko at natawag ko ang pangalan mo. Nagpapasalamat ako dahil nakilala kita bago pa ako mawala sa mundong ito. Akala ko nga magaling na ako at akala ko hindi na ako makakapag mahal ng ganito. Gaya ng sabi ko sayo nung gabing iyon wag mong sisihin ang sarili mo. tandaan mo sinabi ko sayo nung gabing iyon mahal na mahal kita. Kung kailangan kong sabihin to araw araw para iparamdam sayo kung gaano kita kamahal, na walang araw na wala ka sa isip ko dahil sa takot na baka makalimutan ko ang pangalan mo at wala na akong pake-elam kung mawawalan na nang meaning ang salitang ito.. Basta gusto kolang maramdaman mo na totoo tong pagmamahal ko kaya wag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari sa akin dahil hindi ko pinagsisihan iyon. yon nga ang paraan para mahanap kita kaya hindi ko sinisisi kahit na kanino iyon. Wag kang iiyak pag nalaman mo ang lahat. Nang sinabi mo sa akin na wag kitang iwan my heart stop from beating. Dahil hindi ko maipapangako sayo iyon. Sorry Amalie hindi ko mapangako iyon. Sorry because I can only love you but I can't stay with you forever..’
Naghanap ako nang ibang papel ngunit wala nang kasunod. Hinalungkot ko ang kahon pero wala parin akong nakita na sunod niyang letter hanggang sa may nakita akong apat na cassette tape. May nakasulat pa ang bawat cassette tape. May kasama din itong portable cassette player at may headphone. Sinuot ko ang headphone at nilagay ang tape sa loob.
Napatakip ako sa bibig na gusto nang umiyak dahil record ito ng pinagusapan namin nung gabing sinurpresa niya ako. Plinay ko rin ang isa at kanta niya yun. Kanta na ginawa niya sa akin. Isang beses niya lang kinanta yun sa harap ko yung araw na nakasayaw ko siya nung gabing iyun.
Habang nakikinig sa boses niya ay unti-unti akong dinalaw ng antok dahil narin siguro sa kakaiyak ko.
........................
Ngayon ang araw na libing ni Killian pero ayaw kong pumunta dahil iiyak nanaman ako. Nasa kwarto ako ngayon yakap-yakap ang mg binti ko. Simula nang dinala ko dito ang mga gamit ni Killian nagkakalat na ito sa kama ko at paulit-ulit kong binabasa at pinapakinggin ang mg pinaguusapan namin at ang kanta niya.
BINABASA MO ANG
YOUR NAME (completed)
Teen FictionA/N: this is a short narration! Plot Summary: A Dating site that officially under controlled by the so called government. Site that'll connect to your phone system to protect your true identity from your assigned virtual partner. Called Virtual Rel...