[9] Azura

57 6 0
                                    

Pagkagising ko agad kong kinuha ang cellphone ko sa mesa nang tumunog ang notification nito. Laking gulat ko nang mabasa ang message ni Black.

Hey, bi goodmorning!
Kumain kana wag
kang magpagutom ha.
Mag-ingat karin.
bilisan monang kumilos
para hindi ka malate
sa klase niyo.
Chat molang ako pag
nakarating kana sa
school. Bye!
Love you muah!
5 minutes ago.
Read.

Hindi ako makapaniwala na inunahan niya ako! Dapat hindi ako magpapatalo.

Nilapag kona ang cellphone ko sa mesa at tumungo sa cr para maligo.

Nang makarating na ako sa gate ng university namin chinat ko siya at binulsa na ang cellphone ko.

Recess time namin ngayon kaya chinat ko siya at nagkataon sabay na sent ang mga message namin.

Hi.

Hi

Virtual Act start.

Musta?
/*kiss forehead./

Shit. Bat naa-awkward ako ngayon?! Dahil ba sa hindi ako sanay na ganito siya? Bantulot ako ngayon napangiti.

Ayos lang
*/smile./

Kumain kana?
*/holding hands/

Dapat hindi ako magpapatalo sa kanya! Ako ang Queen of player! Newbie lang siya. Pero bakit naman ako ganito? Hayst!

*/shocked/
*/blushed/
*/nod/

Hehe. Cute
*/smack kiss/

Napatakip ko ang bibig ko gamit ang isa kong kamay dahil sa gulat. Tangina? Sanay naman ako sa ganito pero hindi ko alam kung bakit ganito nalang ako mag reak.

"napano ka?". Rinig ko mula sa likod. I snapped. Nilingon ko siya at binaba ang cellphone ko.

"ah hehe VR". Sapilitan akong napangiti.

"ah ganun ba, sige good luck". Tanging sabi ni Ruth at umalis na sa paningin ko. Binalik ko ulet ang atensyon sa cp ko.

Akala ko hindi siya seryoso sa laro na to. Pero kaya niya pala gawin ang mga ganito? Ito ba ang totoong siya? Hindi ko alam bakit pero kinakabahan ako. Hinahamon niya ang Queen of player. I'll just go with the flow.

*/kiss back/

*/smirk/

Gusto mo makarinig
ng music?

*nodded

*pat your head

Good.

Black sent a
voice message.

Use earphone, babe.

Okay po.
(smiling emoji)

Gaya ng sabi niya pinakinggan ko yung vm na sinent niya. Bigla nalang nanindig ang mga balahibo ko nang marinig ko ang boses niya. Tangina? Boses niya ba to?!!!

Hindi naman siguro
sayo to diba?

You're so mean.

You mean sayo to?!

Ayaw kong maniwala dahil masyadong maganda ang boses na to sa tulad niya.

Mmh. Kapit
bahay namin.

Talaga?ang ganda
naman ng boses.

Hindi ko napigilan ang mapatawa at nakisabay nalang sa sinabi niya.

Sa tingin mo ba
may kapit bahay ako?

So room mate mo?

Nvm. -_-

Hahahaha biro
lang. Hehe.

So anong masasabi
mo sa kanta?

Ackk! Ang ganda po.

*/smile/

Syempre kahit totoong maganda ang boses niya hindi naman ako kinilig nuh. Nanindig lang ang balahibo ko dahil sa ganda nito at hanggang doon lang. Hindi ako pwedeng mahulog sa kanya. Alam kong ginagawa niya lang to para matalo ako, huh! Hindi ako magpapadala sayo. Black! Pag-ipaparinig ko ito kay Ruth siguradong mahulog na siya. Hay naku. Buti nalang pusong bato to!

Naging mahaba pa ang usapan namin hanggang sa matapos ang break time.

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon