Nakangisi si Jack hanggang sa mawala na si Amalie sa harapan niya unti-unting pumapawi ang mga ngiti niya at nabahiran ng lungkot. Pinapanood niya ang likod ni Amalie na palayo nang palayo sa kanya.
His lip corner tightened dahilan para makita ang dimple sa kaliwang pisnge niya.
Matagal niya nang hinahangaan si Amalie at akala niya nakuha niya na ang loob nito ngunit nagkakamali siya. Kung sa VR hindi niya maabot si Azura sa totoong buhay naman hindi niya parin maabot ito. Nang malaman niya na may jowa na ang dalaga pakiramdam niya nasa isang laro siya na kung saan tinalo siya ni Azura.
Umiling siya at binulsa ang mga kamay niya. Binalin niya ulit ang direksyon na tinungo kanina ni Amalie.
"sana hindi ka lokohin ng lalakeng iyon. Pinili mo yung malayo kesa sa malapit. Pero kung pinili niya man ang malapit kesa sayo na malayo. Andito lang ako. Kahit na nireject mo nang ilang beses babalik at babalik ako kung kailangan mo ako. Masaya ako kahit na mas gusto mo yung lalakeng hindi mo nahahawakan o nakikita. Basta nakakausap parin kita kahit na sa iba ang isip mo masaya parin ako" bulong niya at tumalikod na para umalis at tumungo sa ibang direksyon.
"hindi pala madaling magmahal". He added and snorted. "ang hirap pag hindi ikaw ang bida sa kwento niya dahil kailangan mong magparaya sumaya lang siya"
BINABASA MO ANG
YOUR NAME (completed)
Ficção AdolescenteA/N: this is a short narration! Plot Summary: A Dating site that officially under controlled by the so called government. Site that'll connect to your phone system to protect your true identity from your assigned virtual partner. Called Virtual Rel...