[24] Black

44 5 0
                                    


Habang nag iisip hindi ko mapigilan ang igalaw ko ang kanan paa ko nang taas-baba.  Sumasabay din ang hintuturo ko.

Hindi ako mapakali dahil hindi ko inaasahan na uminom pala siya.

Tama nga ang sinasabi nila na matatalo ang mga lalake kay Azura at isa na ako doon ngunit dinedma ko lang ang pakiramdam na iyon. I can't afford to lose kahit na hindi ang intensyon ko na talunin siya in the first place.

Binigay ko na ang lahat ng mga strategy ko sa katunayan niyan ang lahat ay hindi pagsisinungaling ngunit hindi naman halata eh. Minsan pa nga nadala na ako sa emosyon ko kaya nasabihan ko siya nang I love you. Ayaw kong mag sabi palagi nang ganun kase para hindi siya magsawa. Dahil sa tingin ko pag palagi ko siyang sinsabihan ng I love you mas tumatagal mawawalan na nang meaning kaya bihira lang para kung marinig niya man yun sa akin atleast makaramdam siya ng pananabik. Yun ang isa kong strategy para makuha ang loob ng mga babae at hindi ko alam kung nahulog ba siya sa patibong iyon.

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon