[25] Black

47 3 0
                                        

Alam kong ang lahat iniisip niya na laro lang pero buong pagmamahal ko yun binigay sa kanya matapos ang 3 days trial namin doon na ako nagsimulang magduda sa sarili ko na hindi na paghanga ang nararamdaman ko sa kanya. Tsk! Wala ngang makakatalo kay Azura. Just being her self is enough to make me or us fell for her. Siguro ngayon pinagtatawanan na niya ako dahil napapansin niya ang effort ko.

Mas tumatagal gusto kong malaman ang totoong pagkatao niya at nagpapasalamat talaga ako ginaya niya ako na hindi na magplay ng ibang role. At nalaman ko rin ang mga sweet sides niya na sa tingin ko isa sa nga nagustuhan ko sa kanya. Hindi siya ang Azura na inaakala ng iba.

Sabi kase nang iba baka daw nag soc si Azura sa mga lalake kaya nagustuhan siya ng mga lalake at sinabi din nila na malandi si Azura. Part naman yun ng game na lumandi ka pero hindi siya yung inaakala nila. Marami pa akong narinig tungkol sa kanya. Pero lahat sila nagkamali.

Dahil maunawain siya, iniintindi niya ako kahit na alam kong laro lang pero hindi niya ako kinontrol. Marunong siyang mag deal nang mga lalake kaya siguro nahulog ang mga ito sa kanya.

Imbes na husgahan siya gamit ang mga sabi-sabi na naririnig ko sa iba tungkol sa kanya. Ako mismo ang sasaksi kung paano siya mag play nang role at ang totoong siya at ako mismo ang magpapatunay na mali sila. I should feel it myself! Dahil theory lang nila iyon hindi nila kilala ang totoong Azura.

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon