[85] Azura

38 5 0
                                        

Matapos ay nagpaalam na kami at tumungo siya sa Dorm na malapit lang sa pinanggalingan namin.

"ang ganda ng ate mo". Bulong ko habang nakatingin sa ate niya papalayo sa amin.

"talaga? Pero sa tingin ko mas maganda ka dun"

Nilingon ko siya at tinaas ang mga kilay ko.

"tsk, bola"

"huh? Bola? Saan?". Biro niya. Ngumisi lang ako at mahina siyang sinuntok sa braso. "napaka amazona mo talaga"

"reaksyon lang yun"

"wow, ang sakit ng reaksyon mo" humahalakhak niyang sabi.

"hindi nga yun malakas". Nguso kong sabi.

"hahaha, pero totoo mas maganda ka pa dun dahil hindi mo na kailangan pa nang make up maganda kana"

Sa sinabi niya sumimangot ako, dahil naalala ko ang panahong nag make up ako noon at parang hindi kona kilala ang sarili ko at tsaka ang pangit.

"doon tayo dadaan sa pedestrian lane". Turo niyang sabi. Sinundan ko ito ng tingin at maraming tao na hinihintay ang green light signal. Marami rin sa kabila nang kalsada at ilang segundo nalang tatawid na ang mga tao.

"sige". Tugon ko at tumungo na kami kung saan marami ring tao ang naghihintay sa gilid ng daan.

Nang mapansin naming naging kulay berde na nagsisimula nang sumikip ang daan dahil narin sa magkasalubong na mga pedestrian sa magkabilang kalsada at 30 seconds nalang bago ulit mag red light signal. Ramdam kong hinawakan ni Jack ang kamay ko.

"para hindi tayo magkahiwalay". Tanging sabi niya at naglakad na kami para tumawid. Nakayuko ako habang naglalakad dahil nakatingin sa kamay niya na nakahawak sa pulsuhan ko. Hanggang sa hindi ko napansin na may nakabunggo na pala ako pero nanatili parin akong nakayuko.

"pasensya na". Sabi ko sa lalake nang hindi siya tinitingalaan.

"ayos ka lang?" tanong sa akin ni Jack ngunit hindi ako sumagot dahil sa may napansin akong keychain na naka sabit sa bulsa ng lalakeng nakabunggo ko at paalis na ito. Familiar ito sa akin. Pilit kong inaalala kung saan pero alam kong familiar to sa akin.

Humakbang na ako at hawak parin ni Jack ang pulsuhan ko.

"Hello? Jules?".

Ewan ko ba bakit ko naririnig ang boses ni Black ngayon.

Huh?!

Agad kong inangat ang mukha ko at mabilis na inalis ang kamay ni Jack sa pulsuhan ko at umikot para makita ang lalake nang mapagtanto ko kung kaninong keychain iyon at yung boses niya na 'Hello' kaboses iyon ni Black!
pero nakatalikod ito at ulo nalang ang nakikita ko papalayo at unti unti nang nawawala dahil sa dami nang taong nagkikipagsiksikan. Hahabulin kona sana nang hinawakan ni Jack ang braso ko.

"Jack nakita ko si Black please bitawan mo ako". Pagmamakaawa ko sa kanya. Nagulat naman siya sa sinabi ko at dahan dahang binitawan ang braso ko. Agad akong humakbang para habulin siya pero mas tumatagal nagsiksikan na ang mga tao kaya nahihirapan na akong dumaan.

Putek naman saan kayo galing! Bakit madaming tao!

"execuse me po". Paulit ulit kong sabi at pilit na sinisiksik ang sarili.

"ano ba!" rinig kong bulyaw sa akin ng ale.

"pasensya na po"

Rinig ko ang tawag ni Jack sa akin mula sa likod at hinahabol niya ako ngunit hindi kolang pinansin.

Tumyad ako para makita ang lalakeng iyon. Nakahawak siya sa cellphone na parang may kausap sa cellphone niya at hanggang hindi kona siya nakikita kaya nagmamadali ako. I stretched out my hand and trying to reach him though I know it's impossible because he already far away from me. Kung sisigaw ako malabo niya yun marinig dahil ang layo niya na at maingay rin sa paligid ngunit sinubukan ko nang dalawang beses.

Nang makalabas ako sa maraming tao agad akong tumakbo ngunit may humila sa braso ko at niyakap ako. Saka ko pa nalaman bakit niya yun ginawa. Nanlaki ang mga mata ko dahil may biglang dumaan na malaking truck sa harapan ko at medyo mabilis ang takbo nito. Naka redlight na pala.

"kung ayaw mong makita ka niya na isa na lamang malamig na bangkay wag mo na ulit gawin yun". Bulong ni Jack sa tenga ko habang nakayakap parin sa akin. Nang tuluyan nang nakaalis ang truck saka pa siya kumawala sa pagyakap sa akin habang nakahawak parin sa mga balikat ko. Napalunok nalang ako at gulat parin sa nangyari. Ang gaga ko talaga, dahil sa pananabik pwede akong mamatay.

Nalulula ako ngayon sa mukha ni Jack na puno ng emotion. Bakit siya malungkot?

"Amalie, sigurado ka bang si
Black iyon?". Ngayon kolang siyang nakitang seryoso.

Nang maalala ko si Black agad akong bumalin sa likuran niya kung saan doon marahil tumawid si Black. Nang nilibot ko ang paningin ko hindi ko na siya nakita.

Gusto kong umiyak, pinipigilan ko lang.

Kakausapin kona sana si Jack nang pinito kami ng traffic enforcer at sinermonan dahil sa nangyari kanina.

............

"nakakasigurado akong siya yun, y-yung key chain ako gumawa nun. At yung boses na narinig ko! ka boses siya ni Black at hinding-hindi ako magkakamali... Sya yun Jack!.."

"sshh... Naniniwala ako Amalie"

Masuyo niya akong niyakap at hindi kona napigilan ang sarili ko at hinayaan ko nalang bumagsak ang mga luha sa mga pisnge ko.

Lumayo na ako sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan siya sa mata.

"hahanapin ko siya". Pursigido kong sabi sa kanya. Akala ko pipigilan niya ako kaya labis nalang akong ngumiti nang marinig ang sinabi niya.

"sasamahan kita".

Nandito kami sa park at nagsisimula naring lumubog ang araw kaya naisipan naming umuwi na. Hinatid niya ako sa bahay namin at nagpaalam na sa kanya.

............

Kanina pa akong tulala kakaisip sa lalakeng nasalubong ko kanina. Kung hindi siguro ako yumuko kanina, siguro nakita ko ang mukha niya. Alam kong siya si Black dahil sa keychain na naka sabit sa bulsa niya. Ako kase ang gumawa nun kaya natatangi yun. Isa yung keychain na may maliit na teady bear na ako mismo dumisenyo na nasa 3 inch ang laki. Sa paanan nun may naka burdang A&K. Sinabi niya kase sa akin na K ang unang letra nang pangalan niya. May nakasabit din doon na maliit na bote at may papel sa loob nito.

Ako ang gumawa nun kaya alam ko. Hindi ko lang alam ba't ko nakalimutan kanina. Ang tanga ko talaga para kalimutan ang bagay na iyo . Kung hindi ko lang siguro nakalimutan magkasama na kami ngayon.

Bumalik ako sa katinuan nang makaramdam akong may dumila sa paa ko. Yumuko ako at nakita si Aki.

Napangiti ako dahil palagi talaga siyang lumalapit sa akin sa tuwing na-aalala ko si Black. Kinuha ko siya at nilagay sa kandungan ko habang hinahaplus-haplusan siya nang masuyo.

"Nakita ko ang taong nagdala sayo dito, Aki". Ngiti kong sabi sa kanya.

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon