Sabado ngayon ngunit tinawag ako ni Killian. Dahil kinwento ko sa kanya ang tungkol kay Aki sinabi niyang gusto niya itong makita nang personal. Kaya ngayon karga-karga ko siya habang naghihintay kay Jules sa labas ng gate namin.
Matapos ang ilang minuto, dumating na nga si Jules kaya sumakay na ako. Hindi sumama si Killian. Kaya mukhang nadismaya ako.
"huh?" taka ni Jules nang makita ang aso na karga ko.
"Aki, bigay to sa akin ni Killian". Ngiti kong sabi sa kanya.
"huh? Kailan?".
"noong panahong player palang kami?"
"aah, okay." tanging sabi niya at pinaandar ang sasakyan.
.................................
"wow, ang lusog niya ah". Sabi ni Killian habang kumarinyo kay Aki na nasa kandungan niya.
"mmhh" tumango ako. "dati sa tuwing naaalala kita lumalapit siya sa akin, siya lang ala-ala ko sayo nun liban ang keychain".
"talaga?" inangat niya si Aki para ma-level sa mukha niya. "Aki, bantayan mo si mommy Amalie ha pag-wala ako ikaw ang lalambing sa kanya"
"anong pinagsasabi mo"
"mhhh". Ngumiti at niyakap si Aki.
Mga ilang oras lang nakipag-laro ako kay Aki. Hinahabol niya ako habang hindi ako kakatigil sa paghalak-hak habang pinapanood kami ni Killian at tuawang tuwa rin siya. Matapos ang laro nagpahinga na ako. Tinawagan ni Killian si Jules para kunin si Aki at dalhin sa baba.
Nasa kama niya ako ngayon naka-upo habang siya nasa pinto na kausap si Jules. At binigay niya rin ang aso kay Jules para daw kami na lamang dalawa ang maiwan. Matapos silang mag-usap naglakad na siya pabalik. Umalis ako sa kama niya at naglakad papuntang bintana. Salamin ang bintana at nakasarado ito. Kaya hinila ko paakyat para buksan ito. Sumalubong naman sa akin ang malakas na hangin. Saglit akong napasindak dahil may yumakap sa akin mula sa likod.
"Killian baka may makakita sa atin". Mahina kong sabi. Nakabukas ang bintana baka isa sa mga kaibigan niy ang lalabas at makita ako. Oo, nandito mga kaibigan niya ngayon kaya kinuha ni Jules si Aki para narin makipaglaro sa mga kaibigan niya.
"hayaan mo sila". Bulong niya sa tenga ko. Namumula narin ako at ayaw kong makita niya yun. Hinawakan ko ang mga braso niya na nakapalibot sa katawan ko. Ginawa niya ring unan ang balikat ko.
"hindi ko pinagsisihan iyon". Rinig kong bulong niya.
"huh?" kahit na rinig ko iyon ngunit hindi ko siya naiintindihan.
"sabi ko mahal na mahal kita"
Napangiti ako sa sinabi niya. Halis walang kras hindi niya ito sinasabi na parang ito na ang huling araw niya.
"pansin kolang ba't parang ang lambing mo ata sa personal? Nung sa VR kase iniimagine ko na hindi ka clingy. Suplado kunti ganun". Ramdam kong napatigil siya.
"sa tingin ko nagbago nang dumating ka". Bulong niya. " now I've always think of anything as if it was my last. So please hug me and love me as if it's your last"
Niliko ko ang aking katawan para humarap sa kanya at agad na niyakap. Wala na akong pake-alam kung maramdaman niya ang bilis ng tibok ng puso ko.
Nang kumawala na ako sa pagyakap ko sa kanya nagtama ang mga mata namin. As if it was a silent invitation.
Napalunok ako nang dahan-dahan niyang nilapit ang kanyang mukha sa akin. Kita ko sa kanyang mga mata ang paglipat-lipat ng kanyang mga tingin sa aking mga labi at sa aking mga mata. Tila ako na estatwa at kusang pumikit ang aking mga mata nang isang pulgada na lamang ang layo ng aming mga mukha. I shiver more as I felt his warmth lips brushing mine. Saglit siyang tumigil at tumingin sa aking mga mata. Nilayo niya konti ang kanyang mukha mula sa akin.
"h-hindi ako marunong". Yuko kong sabi. Shet! Nakakahiya dahil sinabi kong iyon at pakiramdam ko namumula na ako. Rinig ko ang tawa niya ng marahan kaya mas lalo akong nakaramdam ng hiya. First kiss ko kase siya!. Yumuko siya para lumevel sa mukha ko at bumulong.
"I"ll teach you then". Nakita ko nanaman ang nakakabaliw niyang ngiti. Masuyo niyang hinawakan ang panga ko at dahan-dahan pina-angat ang aking mukha. Kumurba ng ngiti sa kanyang mga labi nang magtama ulit ang mga mata namin. Dahan-dahan niya ulit nilapit ang kanyang mukha at binigyan ako ng masuyong halik kaya napapikit ang mga mata ko. Tumagal pa ang halik na iyon. Hindi ko alam anong gagawin kaya sinundan ko na lamang ang bawat halik niya. Rinig kong sinarado niya ang bintana.
He put my arms around his neck while kissing me passionately.At this moment all I can think is him. In this world as if we're alone together. Hindi man ako nakaramdam ng awkwardness o hiya ngayon pero siguro mamaya, oo.
Matapos ang halik dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at nakita kong seryoso siyang nakatingin sa malapit kong mukha. Kaya yumuko ako. baka kanina pa talaga siya nakadilat habang naghahalikan kami?!
Hindi ko alam anong mukha ang ihaharap ko sa kanya. Agad niya akong niyakap. Ramdam ko ang malaki niyang kamay na masuyong nakahawak sa likod ko. Rinig ko ang tibok ng puso niya. Mabilis din ito.
"kahit ano man ang mangyari wag ka nang iiyak ha". Rinig kong bulong niya. "mahal na mahal kita".
"mahal din kita" Hindi na ako nagsalita pa. I hugged him back while leaning on his chest.
........................
Next Day........
Linggo ngayon at may date kami ni Killian. Matapos kong magbihis at mag-ayos tiningnan ko ang sarili sa salamin. Naka-suot ako ng yellow dress na long sleeves na open shoulder. Nakasuot din ako ng sandals at nakalugay lang ang aking mahaba at straight na buhok.
Wala ngayon sina Mama at Papa dahil maaga silang umalis ng bahay. Nang lumabas na ako sa gate nakita ko siya na nakatayo sa labas ng kotse ni Jules. As usual napaka gwapo ng porma niya ngayon. Naglakad ako papalapit sa kanya at niyakap siya.
"you're so beautiful". Sabi niya kaya napayuko ako dahil alam kong namumula na ako ngayon.
"salamat". Hiya ko sabi.
"pasok na tayo?"
Tumango ako at pumasok na ng kotse.
............
Laking mangha ko nang makita ang amusement park.
Sumakay kami nang ilang rides at bumili ng mga pagkain. Si Jules naman parang butler lang namin na walang ibang ginawa kundi ang sumunod sa likod namin.
Para ako ngayon naging bata dahil sa tuwa. Trinay din namin ang ilang games. Naeenjoy ako sa nakikita at nasasakay namin.
“Killian?”. Tawag ko sa kanya kase napansin kong tulala siya.
“anong nangyari? ”. Biglang lumapit sa amin si Jules na parang nataranta. “Killian?”. Tawag niya kay Killian.
“ah, wala, wala. saan na ba tayo?”. Sabi ni Killian na parang kakabalik lang sa riyalidad.
“ayos ka lang bro ”. Tapik niya sa balikat ni Killian. Tumango lang si Killian.
“Babalik lang kami Amalie, mag cr lang kami”. Paalam ni Jules. Kailangan ba dalawa sila?
Huh? Anong meron?
BINABASA MO ANG
YOUR NAME (completed)
Ficção AdolescenteA/N: this is a short narration! Plot Summary: A Dating site that officially under controlled by the so called government. Site that'll connect to your phone system to protect your true identity from your assigned virtual partner. Called Virtual Rel...