[76] Black

33 4 0
                                    

Agad kong sinipa ang bangkito na nasa paanan ko. Shit! Bakit nangyayari to? Paulit ulit kong ni re-refresh ang site.

The page you requested are temporarily unavailable.

Yan ang paulit-ulit na lumalabas.
Kanina kopang kini-kimkim ang inis ko at kumalma. Huminga ako nang malalim at umalis sa dorm.

"ano na?". Tanong ko kay Mel. Nakatutok siya ngayon sa laptop niya. Nandito kaming lahat sa Tambayan. At kumpleto kami dahil nandito si Jules. Isa siya sa mga player. Ako, siya at si Sheena ang player sa amin. Si Ian  natalo na noon at naisipang mag quit dahil labis daw siyang nasaktan at sayang ang 3k. si Rick, dahil sa nangyari kay Ian hindi na sumubok. Si Mel syempre isa syang watcher at staff pero may acc rin siya hindi nga lang player. Sinabi namin ni Mel sa kanila ang tungkol kay Azura kaya pati sila ay nagkainteresado rin. Nakipag-tulungan rin sa amin si Mel na malaman kung sino talaga si Azura. Ngayon mahihirapan kami dahil naka-shut down ang site at hindi namin mahanap ang system niya dahil nga naka-shut down ito.

"wala parin, maghintay nalang siguro tayo..". Sagot ni Mel.

"no, habang naka-shut down ang site ito lang ang pagkakataon matrace siya dahil hindi ito malalaman ng government diba?". I interjected. Napayuko siya sa sinabi ko. Naka laptop din si Sheena. Hindi sila interesado kay Azura kundi sa ano ang connection nito sa Government na nagpa-curious sa kanila at para narin daw mag explore.

tumulong si Ian at Rick kay Sheena at ako naman at si Jules kay Mel, dakilang hacker rin kase to si Jules.

Kung hindi man namin siya mahanap ngayon hanggang sa bumalik ang site atleast nasabi ko sa kanya ang isa kong role player.

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon