[56] Third Person

40 3 0
                                        

"woooaahh" sigaw nina Ian at Rick nang mashoot ng kaibigan nila ang bola ng 3 points. Ngayon hawak ulit niya ang bola at nagiisip kung paano makalusot sa mga kalaban nila na ngayon nakaharap sa kanya. Ngunit mabilis siyang lumusot sa mga ito at na ishoot ulit ang bola. Ilang beses niya pa itong naishoot at panay ang hiyawan sa kanya ng mga babae na nasa ibang department.

"he's so hyper today". Sabi ni Sheena kay Ian.

"that's Killian for you". Ngisi niyang tugon.

"hindi pa naka balik si Mel?". Si Rick.

Umiling sila nang mapansin na wala pa ang isa nilang kasama. Tumayo si Sheena at nag paalam sa kanila na bibili muna siya nang pagkain sa labas nang gym. Bumaba na siya at tutungo ng exit nang mapansin ang presensya nang kaibigan niyang hindi pa nakabalik mula pa kanina.

"si Mel ba iyon?". Tanong niya sa sarili ngunit naglaho nalang ito kaya hindi na niya pinansin at umalis nalang nang gym.

Sa kabilang banda si Mel ay nakatago sa likod ng pader nang marinig niya ang pangalan niya. Tinatakpan niya pa ang kanyang bibig upang hindi siya marinig. Nang marinig niya ang yabag ni Sheena na paalis na saka pa siya nakahinga ng maluwag. Sumilip siya bago tuluyan umalis patungo sa ibang direksyon.

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon