[80] Azura

37 4 0
                                        

Kanina pa akong nagiisip tungkol sa sinabi sa akin ni Jack na tungkol sa ate niya . Sinabi ko sa kanya kanina na pagisipan ko muna. Pero may gumagabag sa akin ang tungkol sa sinabi ni Jack na pinagdaanan ng ate niya ang pinagdaanan ko ngayon.

Tinanong ko sa kanya anong nangyari sa huli pero sabi niya tanungin ko nalang daw ang ate niya. Pero nahihiya naman akong kausapin ang ate niya. Sinabi ni Jack 4th year college na ang ate niya kaya may time siya kung sakaling mapagdesisyon kong kausapin ang ate niya dahil hindi daw siya busy ngayong semester.

Pinasok ko na ang keychain sa bag ko at humiga sa kama.

“kamusta na kaya si Black?”
Bulong ko. Yan palagi ang bulong ko sa tuwing nandito ako sa kwarto. Kinuha ko ang cellphone ko at plinay ang kanta niya. Buti nalang na saved ko ang mga sine-sent niyang kanta sa akin. Cover lahat at liban lang sa kanta na ginawa niya para sa akin. Ang 'pagitan natin'.

Pauli-ulit kong pinapakinggan ang mga kanta niya bago ako matulog.

"hihintayin kita". Bulong ko bago makaramdam ng antok.

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon