[86] Azura

35 7 0
                                    

Nagising ako dahil sa pagdila sa akin ni Aki. Nang minulat ko ang mga mata ko agad kong nakita ang mukha niya na sobrang lapit sa mukha ko kaya napatalon ako sa gulat.

“wahh!! Aki!”. Bigla kong bangon. Tumahol pa siya sa akin.

“Amalie! Hindi ka ba papasok? Nasa labas si Jack nag-aantay sayo”. Sigaw ni Mama sa labas ng pinto.

“papasok?”. Taka ko.

Putek! Oo nga pala lunes ngayon!

Nataranta naman akong sumilip sa bintana at nandoon nga siya. Kumaway pa siya nang makita ako at halatang tumatawa pinipigilan niya lang. Ngitian kolang siya at nagmamadaling maghanda ng mga damit ko. Akala siguro ni Aki nakikipag laro ako sa kanya kaya humaharang-harang siya sa dinadaanan ko habang tumatahol.

“Aki! Nagmamadali ako”. Nilapag ko ang tuwalya sa kama nang binalikan ko iyon kinakagat na ni Aki.

“Aki! Bad Aki, nagmamadali ako! Ma!” halos mangiyak ko nang sabi.

.....................

Motor niya ang sinakay namin papuntang eskwela kaya ngayon lang siya tumatawa habang nag lalakad kami ngayon papasok nang campus panay parin ang tawa niya.

“hindi ka pa ba tapos?”. I ask with bored expression.

“haha sorry, sorry hindi ko lang mapigilan, rinig ko mula sa baba yung sigaw mo na parang gusto mo nang umiyak ”. Humahalakhak niyang sabi. Sinamaan kolang siya ng tingin.

“bakit mo pala sinabayan ngayon?”.

“baka kase makita mo siya tapos hahabulin mo naman tapos ayun! Hospital kana”. Nakapamulsa siya habang naglalakad.

“hospital agad? Grabe ka”.

Nabalin ang tingin namin pareho kay Ruth na nasa likuran.

“ba't magkasabay kayo?”. Panunukso ni Lj. Niliitan niya pa ang kanyang mga mata habang nakatingin sa aming dalawa na para kaming isang bagay na pinagaaralan niya. May pahawak-hawak pa siya sa kanyang panga kala mo naman may balbas.

“ah Amalie, punta na ako”.

Ako dapat magsabi nun eh.

Nakarandam na siguro siya nang awkward sa ginawa ni Lj kaya umalis na siya. Bago pa siya makalayo sumigaw ako.

“salamat sa paghatid!”

Lumingon lang siya at kumindat.

........................

Simula na nangyari kahapon palagi nang nakadikit sa akin si Jack sa tuwing lalabas ako. Sinabi niya na baka makita ko nanaman daw ulit si Black at baka may mangyari pa sa akin na masama. Kahit ano naman ang ginagawa kong pagtaboy sa kanya susunod at susunod parin siya sa akin.

Ngayon inimbita ako nang ate niya na lumabas kase may tatanungin daw siya sa akin ng personal kaya magkasama kami ni Jack ngayon. Papunta kami sa University nang ate niya sakay ang motor niya. Nang makarating na kami ay pinark niya ito sa parking at naglakad na kame paounta ulit sa fastfood kung saan kami kumain noon. Huminto kame sa lugar na kung saan ko nakita si Black kahapon. Naglakad na kami ni Jack para tumawid.

..........................

Akala ko mga simpleng tanong ang itatanong sa akin ng ate ni Jack. Laking gulat ko nang tinatanong niya ay tungkol sa nakakatanda kong kapatid. Dalawa kaming magkakapatid pero ngayon ako nalang nagiisang anak nila mama at papa na naiwan sa bahay. Matagal na kaming walang balita kay Kuya.

Pagkatapos kong sagutin ang mga tanong niya sinabi niya sa akin na..

‘hindi nga ako nagkamali, ikaw ang kapatid na isa sa mga government’

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya sa akin. Hindi ko alam na may kamag-anak ako na isang na isa sa mga government ng VR. Panay ang tanong niya sa akin kanina tungkol sa mga pangalan ng magulang ko at sa kuya ko tapos ngayon sasabihin niya na ang kuya ko ay isa sa mga government. Hindi ko na nakakasama ang kuya ko at hindi na siya umuuwi sa amin tapos ngayon sasabihin niya sa akin isa siya sa mga government nang VR. Kung ganun pwede ko siyang itanong tungkol kay Black?

“ayos ka lang?”. Tanong sa akin ni Jack. Matapos naming mag kwento kanina ngayon ay pauwi na kami kase maghahapon na rin. Pero bago pa kami umuwi bumili muna kami ng street food na medyo malapit lang sa dorm ni Ate Rose.

“iniisip mo ba yung sinabi ni Ate?”. Dagdag niya. Bumalin ako sa kanya at tumango. Inabot niya sa akin ang fishball na nasa maliit na cup at may toothpick. Kinuha ko ito mula sa kamay niya.

“kailangan lang natin siyang hanapin diba??”. Rinig ko mula sa likuran namin. Hindi kona sila nilingon dahil biglang may dinagdag si Jack sa cup ko kaya bumalin ako doon.

“wow, thank you h...”

“ano ng ulit ang pangalan ng babae?”

“A..I'll call Lian”

“Sandali lang Jules ha, nagugutom na kase ako eh”

“do what ever you want...hello?”

Napansin kong may lalakeng lumapit sa kung saan kami nakatayo ni Jack na mula sa likuran ko.

“kuya dalawa nga po nito”. Sinilipan ko ang mukha niya at familiar ito. Naalala kona! Siya yung nakita namin sa isang fast food na sinabi ni Ate Rose yung kaibigan niya ay isang Watcher. Ngunit nakalimutan kona ang pangalan niya.

‘wag mong ipaalam sa iba lalo na sa mga staff or watcher na kapatid mo yung government, makikipagkaibigan yan sila sayo at kunin ang loob mo or they will use it to hurt you or even threaten you, lalo na ngayon naka shut down ang site’

Biglang sumagip sa isip ko ang sinabi ni Ate Rose kanina. Kaya umurong ako palapit kay Jack para iwasan ang lalake.

“brad, andito na sina Mel. Kasama niya si Lian”

Rinig kong sabi ng lalake na nasa likod. Mel, hindi ko makalimutan ang pangalan nayan dahil madali lang alalahanin at dahil isa siya sa mga watcher. Alam niya kaya na may kapatid na Role player ang isa sa mga government? Sinabi kase ni Ate Rose pag kamag anak ng government hindi pwede maging role player kaya hindi daw pwedeng malaman ng iba na kapatid ng isang government ang isa sa mga player at si Azura pa ito.

Siguro dito sa University na ito nag-aaral yung babaeng si Mel kaya madalas kong nakikita dito.

Dito sa lugar na ito na malayo sa amin. Marami kang makikitang paaralan ng mga college. Kaya maraming mga college student na nasa iba't-ibang uniform or kulay ng lace ID na makikita sa paligid.

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon