[99] Azura

37 6 3
                                        

Mga ilang minuto lang ay rinig kong bumukas ang pinto pero nanatili paring nakapatong ang noo ko sa kanang kamay ko habang ang kaliwang kamay ko ay nakayakap sa picture frame niya na umiiyak.

“Amalie”. Rinig kong tawag sa akin ni Jules. Bumangon ako at pinunasan ang mga luha ko sa mukha gamit ang kamay ko. Pakiramdam ko namamaga na ang mata ko dahil sa iyak. Hinarap ko si Jules at hindi lang pala siya mag isa kundi nandito sila lahat. May awa at lungkot na nakikita ko sa kanilang mga matang nakatingin sa akin.

“pina bigay niya para sayo”. Sabi niya habang inabot sa akin ang isang box na hindi kalakihan. Binuksan ko ito at nakita ang mga gamit na binigay ko sa kanya at mga gamit na pinapahalagahan namin, may envelop din ito na sa tingin ko isang sulat.

“magusap tayo sa baba”. Sabi ni Mel. Suminghot ako at tumango sa kanya. Mahapdi parin ang mga mata ko.

Nang makababa na kami nakita ko si Jack naka upo sa sofa. Kusang bumaba ang magkabilang dulo ng labi ko ngunit pilit na ngumiti.

“Jack”. Tawag ko sa pangalan niya. Tumayo naman siya at naglakad palapit sa akin.

“sinabi nila sa akin”. Hina niyang sabi. Niyakap ko lalo ang picture frame niya at napayuko. Pinipigilan kong wag umiyak sa harap nila. Ramdam ko ang kamay na humahagod sa likod ko.

“upo muna tayo”. Anas ni Sheena habang hinahagod ang likod ko.

..................

Nakaupo na kaming lahat at nagsimula na si Mel magsalita.

“we didn't know he was diagnosed with stage-four glioblastoma.."

Nguminig ang mga labi ko sa sinabi ni Mel.

“A-ano?”. Nanginginig kong tanong sa kanya.

“yes, pero tinago niya sayo. Simula nung nabaril siya doon namin nalaman na may sakit pala siya dahil na-trigger yung tumor niya sa ulo dahil sa insidente kaya bilang nalang ang araw niya. Neurologist ang uncle niya. Matagal niya na palang iniinda ang mga sintomas hindi niya lang sinasabi...” nagsisimula nang umiyak si Mel.

“nagsisimula na siyang makalimot kaya sinusulat niya ang mga bagay na pinaguusapan niyo sa VR at para kung magkita kayo maalala niya.. ” patuloy ni Jules. Nagsisimula narin akong lumuha at parang mawawalan na ako ng hininga.

“Every night he was suffering from his agony. Sumasakit ang ulo niya at ang sugat na natamaan ng baril. Sa tuwing kausap mo siya sa gabi, umiinom siya ng strong pain killer para hindi niya maramdaman ang sakit ng kanyang ulo pag kausap ka kahit na panandalian lang ito..”

I covered my mouth in surprise. Hindi kona napigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Hindi ko alam, hindi ko alam! Hindi ko alam na gabi-gabi siya umiinom ng pain killer makausap lang ako.

“kahit alam ng ama niya na malabo na pero gusto namin ng ama niya matanggal ang tumor sa ulo niya pero tumanggi siya dahil baka hindi ka na niya maalala o baka hindi siya masurvive takot siyang mangyari iyon kahit na alam naming konti nalang ang survival rates niya...”

Maslalo akong napaiyak sa sinabi ni Jules. Sunod-sunod ang luha ng lumalabas sa aking mga mata ngayon. Nilapitan ako ni Jack at pinapatahan pero hindi ko magawa dahil ngayon kolang nalaman to! At ang sakit, iniinda niya ang sakit para lang makasama at makausap ako.

“hindi ko alam paano niya kinayang magpanggap sa harap mo na hindi siya nasasaktan. Kung hindi pa siya nagpa-surgery siguro kasama mo pa siya ngayon. May dalawang linggo pa kase siyang mabuhay pero dahil sa surgery namatay siya nang maaga..” agad na napayuko si Jules.

Marami pa silang sinabi sa akin tungkol sa sakit ni Killian at mga bagay na pinapasabi niya at ano pa. Pinauwi na nila kamidahil mag gagabi narin at ayaw ko rin makita ang bangkay niya ulit pero pinayagan naman nila akong dalhin ang litrato niya na nasa frame.

“magiging ayos din ang lahat”. Rinig kong sabi ni Jack. Napatingin ako sa kanya. Huminto siya para harapin ako at siya mismo ang nagpasuot ng helmet sa akin dahil may dala akong kahon na bigay sa akin ni Jules kanina. Saglit niyang tinakpan ang mga mata ko gaya nang ginawa niya dati. Pero hindi naman ako umiiyak, tulala lang. Hindi ko alam kung bakit niya yun ginagawa. Nang tinanggal niya na ang kangyang kamay ngumiti ito sa akin.

“halika na?”. Sabi niya sabay kuha ng box na dala ko at sumakay motor niya.

.....................

Buti nalang nang makapasok ako sa bahay wala sina mama at papa dahil nagsisimula nanaman akong umiyak habang dala-dala ang kahon na may mga gamit niya.

Umupo ako sa kama ko at doon inilapag ang kahon at masuyong binuksan.

My lips formed a grim line.

Nanginginig nanaman ang mga labi ko dahil sa iyak. Kinuha ko ang keychain sa kahon sabay naman nito ang pagbagsak ng mga luha ko. Masuyo ko itong kinukuskos gamit ang hinlalaki ko habang inaalala ang mga panahong nag effort akong gawin ito. Pinunasan ko ang mga luha ko at binalik ang keychain. Kinuha ko ang notebook. Binasa ko ang unang pahina na nakasulat doon. Yun ang mga bagay na pinaguusapan namin sa VR na nakalista sa notebook. Kahit na nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luha pero nagpatuloy parin ako sa pagbabasa. Lahat iyon alaala naming dalawa. Niyakap ko ang notebook at pinikit ang mga mata ko habang umiiyak.

Hindi ko alam na may ganito siyang sakit. Sinabi ni Jules na namana niya to sa kanyang ina. Kaya pala nung sinabi kong kung pwede doon ako matulog sa bahay nila dahil hindi umuwi sina mama at papa nun pero hindi siya pumayag. Kaya pala yung mga sinasabi niya sa akin. Lalo akong umiyak nang maalala ang mga huling sinabi niya sa akin.

Matapos ang ilang segundo kinuha ko ang envelop sa kahon at binuksan ito. Maraming papel ang naka-tupi sa loob. Kinuha ko ito lahat. May nakasulat na numero sa itaas ang lahat ng papel para siguro by order kong babasahin. Una kong kinuha ang papel na nasa may nakasulat sa itaas na 1.

‘Dear Amalie,

pag nabasa mo ito ibig sabihin wala na ako. '

Hindi pa ako tapos umiiyak na ako.

‘Masaya ako dahil nakita na kita, kahit ayaw kong makita mo ako sa lagay na ito pero wala na akong oras kaya kailangan kong makita at makasama ka bago ako mamatay. Hindi ko alam sa pinagtanungan ko may aksidenteng magaganap. Wag mong sisihin ang sarili mo ah dahil hindi ko pinag sisihan ang nangyari sa akin. Kahit na nabaril ako naalala ko na pangalan mo palagi ang bukambibig ko. Kahit na naaksidente ako atleast natupad ko ang ginawa kong pangako bago mawala sa mundong ito. Sobrang saya ko dahil nagkita na tayo. Mahahawakan na kita at mayayakap. Pero patawad dahil hindi kita masasama habang buhay. Maaga kitang pinauwi dahil ayaw kong makita mo ang sitwasyon ko.
Hindi ko akalain na maganda ang naging girlfriend ko. Nang makita ko ang mga ngiti mo nakaramdam ako ng kiliti sa loob. Kilig na ba iyon? Nung niyakap kita ayaw kong maramdaman mo na bumibilis ang tibok ng puso ko pero nung nalaman kong pareho tayo kaya hinigpit kopa ang pagyakap sayo. Ayaw kitang bitawan lalo na yung magkahawak ang mga kamay natin. pero limitado ang oras na kasama kita.... ’

Pinunasan ko ng mga luha ko nang wala na akong ibang nakitang salita sa papel kaya kinuha ko ang ibang papel na kasunod lang sa numero isa.

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon