Naglalakad na ako sa hallway papunta ako ngayon sa tambayan naming mag tropa. Nang marating kona ang third floor nang building at ang pinto ng tambayan namin, binuksan ko ito.
Napunta naman ang atensyon nila sa akin. Dumapo ang mata ko kay Ian na ngayon hawak ang gitara ko. Nakangiti pa ito nang makita ako.
"musta try out?". Bungad sa akin ni Sheena mula sa upuan. Tumungo muna ako sa mesa para ilapag ang bag ko saka sumagot.
"tanggap ako".
"as expected". Rinig kong sabi ni Mel na katabi ni Sheena.
Com-lab ito dati pero ngayon abandonadong room na kaya ginawa naming tambayan. Anim kaming lahat ang nandito. Dalawang babae, tatlong lalake. Yung isa naming kasama hindi namin nakakasama sa ngayon dahil busy siya sa kanyang major.
Gaya ng mga dating gawi nila. Magkukulitan sila, magiingay, may kakanta, may mag gigitara at may hihiga sa mesa. Para walang makakita sa convo namin pumunta ako sa dulo. Alam nila na player ako at alam nila kung sino ang player ko syempre hindi ko iyon sinabi sa text o chat kundi personal para hindi malaman ng government. Tatlo sa amin dito ang player at kilala ko rin kung ano ang mga pangalan ng player nila.
"ikwento mo nga ako tungkol kay Azura". Sabi ni Mel matapos niya akong tabihan. "marami kaseng haka-haka sa kanya. Pero sinabi mo sa amin isang-araw na hindi siya ganun". Nabalin ang tingin ko sa kanya na nasa gilid ko.
"ano ba?". Anas ko. Sinimulan ko nang sabihin sa kanya ang tungkol kay Azura.
"sa kinekwento mo parang nahulog kana sa kanya". Mapang asar niyang sabi.
Ngumisi lang ako sa sinabi niya. Am I that obvious?
Pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanya dahil si Mel ay isa sa mga staff nila. Anak siya ng isa sa mga senado na may kontrol sa laro. Dalawang senado ang kumontrol dito at isa naroon ang ama niya.
"I like her as a precious friend". Tanging sabi ko.
"just like?". Nilapit niya pa sa akin ang mukha niya.
"just like how I cared about you so much but didn't turn your feelings because I only care for you as a precious friend". Nakita kong bigla niyang nilayo ang mukha niya sa akin. Oo, umamin siya sa akin noon dahil akala niya may gusto ako sa kanya pero kahit na maganda siya wala akong nararamdaman sa kanya. Nakita kong namula ang pisnge niya at sumimangot ang mukha niya.
"whatever". Tanging sabi niya at tumayo na saka tumungo sa mga kasama namin. Binalik ko ang atensyon sa cellphone ko. Wala parin akong message mula sa kanya. Siguro kumukuha pa sila ng exam. Naisipan kong mag message sa kanya.
"goodluck sa exam niyo..". Agad kong nilingon si Rick na nasa likod ko pala at binasa pa nang malakas ang message ko. Binatukan ko siya at umungol naman ito.
"hindi ka ba tinuruan ng ina mo tungkol sa privacy?". Inis kong sabi sa kanya matapos siyang batukan.
"in my 20 freaking existence she never taught me that". Napangiwi pa siya.
"I'll teach you then". Sasapakin kopa sana ulit siya nang agad siyang napalayo at humahalakhak pa ito sa tawa na napansin naman ng iba.
Binulsa kona ang cellphone ko at timungo kay Ian para kunin ang gitara ko sa kanya. Umupo ulit ako sa dati kong pwesto at nagsimula nang tumugtog ng gitara. Natahimik naman sila at lumapit sa akin si Ian.
BINABASA MO ANG
YOUR NAME (completed)
Teen FictionA/N: this is a short narration! Plot Summary: A Dating site that officially under controlled by the so called government. Site that'll connect to your phone system to protect your true identity from your assigned virtual partner. Called Virtual Rel...