Epilogue:

90 7 5
                                        

AMALIE POV

binasa ko ang papel na bigay sa akin ni Jules kanina. Sinabi ko kay Jack na gusto kong mapagisa kasama ang puntod ni Killian pero sabi niya tatawagan ko nalang daw siya kung uuwi na ako dahil siya ang maghahatid sa akin.

Habang naka-upo sa tabi ni Killian binasa ko ang huling letter niya sa akin.

'Dear Amalie my Babebibobu,

Pasensya na kung tinago ko sayo ang lahat. Ayaw kolang na mag alala ka at gusto kong makita ang mga ngiti mo. Namatay man ako pero mananatili parin akong nakabantay sayo. Mahal na mahal kita wag mong pababayaan ang sarili mo. Wag kang iiyak dahil hindi ko kayang makita kang umiiyak. Wag kang malulungkot. Gusto kong makita kang masaya. Wag mo akong masyadong isipin dahil ayos lang ako basta wag mo lang papahirapan ang sarili mo.
I've been through so much all this time and I guess I've already reached my limit. As I write this letter I tried to retrieve all the memories we have been together. But I can't recall everything and it starting to fade away. Palagi kong iniisip na sana wala na akong sakit para makasama pa kita pero parang niloloko kolang ang sarili ko dahil hindi ko maitatanggi ang sakit na ito. Kaya ngayon tanggap kona na hanggang dito nalang talaga ako. Pinakilala ka sa akin bago ako mamatay siguro para maganda ang huli kong alaala kahit kabaligtaran naman iyon sayo. Pasensya na. But I just can't live with this disease any longer. Sorry kung iniwan kita. Mahal na mahal kita. Amalie. Mahal na mahal kita. Sorry kung gagawin ko ito. I'm sick of it, sorry Amalie but I've suffered enough. Tandaan mo nakalimot man ako pero hinding-hindi ka makakalimutan ng puso ko. If there's a miracle, that's when I met you.

Love,
Killian.

Habang binabasa iyon hindi kakatigil sa pagpatak ng mga luha ko at humiga sa puntod niya.

Kahit na masakit, pero tatanggapin ko ang katotohanan, na ikaw tanging ala-ala nalang. Salamat dahil naging bahagi ka nang buhay ko.

Siguro tama ka nga, pinakilala ka sa akin bago ka mamatay para naman may maganda kang ala-ala sa lupa na iniwan mo kahit alam kong hindi lang ako ang gumawa ng magandang ala-alang iyon kundi pati narin ang mga kaibigan mo.

Mahal din kita at hindi magbabago iyon. Nangako ka na mamahalin mo ako kaya mangangako din ako.

Namatay ka nga pero buhay ka parin sa puso ko at habang buhay dito. Dahil ang pagmamahal ko sayo ay hindi magagawang patayin na anong sakit o kahit na kamatayan man ito.

Kahit nakalimot ka, hinding hindi kita makakalimutan. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga ala-ala na iniwan mo sa akin bago ka lumisan.

May mga tao talagang papasok sa buhay natin at iparamdam sa atin ang mga bagay na hindi pa natin naramdaman. Kung kailan pa tayo napamahal sa kanila ng todo saka pa sila aalis at iwan tayo kasama ang mga ala-ala na binuo ninyo pareho.

Pero hindi ako nagagalit sa taong iyon, dahil alam kong hindi niya intensyon ang iwan ako bagkus gusto niyang maging maganda ang huli kong ala-ala sa kanya.

At hindi ako makapaniwala na mangyayari sa akin yun at dahil sa VR pa.

Ikaw ang unang nagparamdam sa akin ng mga bagay na hindi ko pa naramdaman noon.

Tama nga ang sinabi nila, pag nagmahal ka iyon ang magandang nangyari sa buhay mo at iyon din ang pinakasamakit na mangyari sayo pag iwan ka nang taong mahal mo.

Kung saan ka man ngayon masaya ako dahil hindi mo na mararamdaman ang sakit na iniinda mo. Salamat at paalam. Mamimiss kita. Mahal ko.

...........................

2 years After............

"Hello?". Rinig ko mula sa kabilang linya.

"Hello, handa kana ba?"

"ah oo kanina pa kaya ako dito"

"sige"

Binaba kona ang tawag at kinuha ang bulaklak na nakalapag sa mesa. Dalawang taon na ang nakalipas at nalaman kong hindi pala namatay si Killian dahil sa surgery kundi dahil sa suicide. Nagpakamatay siya dahil alam niyang wala na siyang pag-asang mabuhay, ayaw niya nang maghirap pa kaya niya ginawa iyon.

Papunta ako ngayon sa puntod niya at hindi lang ako ang mag-isa dahil kasama ko ang mga kaibigan niya.

Nang makarating na ako nasalubong ko ang kotse ni Jules at si Jack na agad na lumakad papalapit sa akin para salubungin ako.
Aksidente ko rin nabasa ang sulat ni Killian para sa kanya at nalamang ayaw niya ako mapunta sa iba kundi kay Jack. Malaki ang tiwala niya dito. Pero hindi pa akong handa magmahal at sinabi niya na maghihintay naman daw siya.

Sinalubong din ako ni Mel at nang iba. Kaarawan ni Killian ngayon kaya nandito kami sa puntod niya.

Matapos nilapag ni Ian ang maputing tela sa lupa sunod naman nilagay dito mga kakainin namin.

Naglakad ako palapit sa puntod niya at nilapag ang bulaklak na dala ko para sa kanya.

Killian Martinez
December 10, 2000 -
September 29, 2020

Matapos ay kumain na kami sa tabi nang puntod ni Killian. Nagkakakulitan at nagtatawanan sila.
Matapos ang lahat ay sabay kaming nag paalam kay Killian.

Wala na sila at ako na lamang mag-isa.

Nakatayo ako habang nakayuko dahil hindi maalis ang tingin ko sa pangalan niya parang kailan lang pilit kong inaalam ang pangalan niya ngayon alam kona hindi ko naman siya makakasama habang buhay.

"Happy Birthday Babe, 22 kana siguro kung nandito ka ang gwapo mo na talaga nuh?". Bulong ko at tumawa nang mahina. Ramdam ko naman na biglang lumakas ang hangin at para akong niyayakap ng malamig at preskong hangin kaya napapikit na lamang ako at iniisip na si Killian ang nakayakap sa akin. Sa ideyang iyon napaluha ako habang nakatingala sa langit.

"Mahal Kita"

THE END

Heira: : thank you so much for reading this far! if you don't mind, you can follow me Love lots!!. I'm not good with words but I need your support for someone rookie author such as myself .

if you want the Sequel of this story check the LINK BELOW! The Sequel of YOUR NAME.

'TIL CURSE DO US APART

'TIL CURSE DO US APART

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

https://www.wattpad.com/901697439-til%27-curse-do-us-apart-prologue







•••••••••••••••••••••••••••

THANK YOU AND GODBLESS!!

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon