[79] Azura

37 4 0
                                    

After 2 days...

Matapos ang klase umuwi na kami. Umaambon kaya napasimangot nalang ako dahil wala akong dalang payong. Nauna na rin umuwi si Ruth dahil sa nilalagnat siya kaya maaga na siyang umuwi.

Hanggang sa sumulpot nalang si Jack sa likod ko at may dala na itong payong at pinasilong na ako.

“halikana”. Aya niya.

salamat”

Habang naglalakad sa gitna nang mahinang ulan. Sinisikap ko namang hindi matamaan ng tulo ng ulan na mula sa payong na bumabagsak sa braso ko. Buti nalang medyo malaki ang payong niya pero kailangan ko parin isiksik ang sarili ko papasok. Pansin kong inurong niya ang payong para hindi matuluan ang braso ko.

“paano ka?”. Pag-alala ko.

“ayos lang! Wag ka lang mabasa”. Ngiti niyang sabi. Napayuko ako. Nag-guilty ako dahil nang sinilip ko ang braso niya unti unting bumabasa ang jacket niya sa gilid. Kaya inurong ko sa gitna ang payong na hawak niya at dumikit sa kanya para hindi kami matuluan pareho. Mukhang nagulat naman siya.

“ayan! Pareho na tayong hindi matutuluan”. Sabi ko at ngumiti sa kanya. Nakita kong ngumiti din siya. Pansin kong kanina niya pa iniiwasan magtama ang mga mata namin.

.........

“salamat pala sa pag hatid”. Ngiti kong sabi. Nakarating na kami sa gate ng bahay namin at unti-unti naring humihinto ang ulan.

“walang anuman”. Ngayon lang nagtama ang mga mata namin. “ah, Amalie”

“hmm?”

“gusto mong makausap ate ko?”

“ate mo bakit naman?”.

May ate pala siya?

“ano naman ang pagusapan namin? Hindi naman kami magkakilala”. Ngisi kong sabi at tinaas ang mga kilay ko.

“kase yung ate ko, dating Queen Legend of player at nadaanan niya rin ang pangyayaring tulad mo. Baka naman makatulong siya sayo kahit papano”.

“ano?”

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon