[46] Black

39 5 0
                                    

"Hi". Bati ni Azura sa kabilang linya matapos niyang sagutin ang tawag ko. Napangiti nalang ako sa boses niya.

Nagreak naman sina Ian at Rick ngunit hindi gumawa ng ingay.

"ahhh.." sumenyas ako sa mga kasama ko kung anong sasabihin ko. Si Sheena ay naga-aksyong kumakain at si Rick ay ganun din. "kumain kana ba?". Tanong ko sa kanya. Rinig ko ang mahina nitong pagalik-ik.

"tapos na, ikaw?"

"tapos na rin". Nang binalin ko ang mga kasama ko. Tinutukso pa nila ako nang hindi nagiingay. Dahil alam nilang hindi pa ako kumain. "ah sa totoo lang wala pa". Sabi ko saka tiningnan ng masama ang mga kasama ko. Tumatawa naman sila nang walang boses.

"luh? 1 na oh, hindi kapa kakain? Kumain kana kaya..."

"mamaya pa ako kakain".

Ang awkward talaga pag kausap siya dahil nasa harapan ko ang mga tropa ko at nakikinig. Hindi ko tuloy masabi ang gusto kong sabihin sa kanya.

"hindi ko alam bakit".

"anong bakit?" tanong ko sa kanya.

"diba dapat naka block ang call buttom ngayon?".

Napatingin kaming apat kay Mel. Ngumiti siya at kumibit-balikat. Napangisi naman ako.

"ah haha oo nga eh". Kunwari hindi ko alam. Magpapaalam na sana ako nang may narinig akong boses ng lalake na muntik nang sabihin ang pangalan niya ngunit hindi masyadong malinaw.

"halikana kanina pa kita hinahanap Ama....". Agad niyang pinatay ang tawag.

"bakit niya pinatay?". Taka ni Rick.

"maybe because he was about to mention her name?" teorya ni Sheena.

Naalala ko rin na may sinabi siya sa akin tungkol sa unang letra ng pangalan niya na letrang A.

"so yung pangalan niya nagsisimula sa letter A? Azura?". Si Ian.

Habang pinagusapan ang boses ni Azura at hinuhulaan. Ako naman ay hinuhulaan kung kaano-ano niya ang lalakeng iyon? Hindi ko maalis sa aking isipan ang boses nang lalakeng iyon.

Baka naman classmate niya lang?

Ugh sana nga classmate niya lang.

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon