[30] Azura

39 4 0
                                    

Sa pag iiwas ko sa kanya ng pitong oras parang pinapahirapan naman nito ang sarili ko. Gusto ko siyang makausap dahil namiss ko na siya pero ..

"Amalie!". Sigaw sa akin ni Mama.

"po?". Nilapitan ko siya at inutusan niya ako sa gawaing bahay. Nang sumapit ang hapon saka pa ako nagkaroon ng oras na hawakan ang cellphone ko. Pumunta ako sa site ng VR at nag nag scroll-scroll sa community. Hindi ko pinindot ang 20 messages na mula kay Black.

Bigla ko namang nakita ang post ng isang player at nag comment doon si Black. Hindi ko alam bakit na curious ako kaya kusang gumalaw ang daliri ko at pinindot ang comment box para makita ang convo nila.

Black Wright.
Wew!

Brando Xl
Musta kayo ng ka-assigned partner mo?

Black Wright.
Wala kana doon.

Brando Xl
Si Lisa sa fam natin mukhang may gusto sayo. Wala pa naman siyang na assigned na partner eh.

Black Wright.
Talaga?haha

Nang mabasa ko iyon parang binagsakan ako ng langit. At 5 minutes ago. Siguro kung pinansin kolang siya hindi siya mananatili sa community? Haystt!! Hindi ko na alam. Nagseselos ba ako? Ugh! Siguro kakausapin ko nalang siya. Wala naman siyang ginawa in the first place eh.

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon