Matapos ang nangyari kahapon at sa natanggap kong message mula sa government kahapon bumalik ang lahat sa dati.
Sinabi ng government hintayin naming matapos ang August bago malaman anong gagawin para magkita kami ulit. Wala akong ideya sa gagawin nila. Basta ang alam ko bubunot ang babae nang letter tapos doon sa letter nakasulat ang dapat naming gawin.
Ngayon ay August 11, at may palaro si Black. Panay ang congrats ko sa kanya kagabi. Sinabi din ng government na pwede na kaming umasta na totoong magjowa basta walang sabihan ng pangalan at pakita nang mukha hanggang hindi pa kami nakasabak sa pagsubok.
Ikinwento sa akin ni Ruth tungkol dito. Sinabi niya na ang iba ay hindi sumabak at piniling magbigay nang pera at hindi na alamin ang pangalan ng partner nila dahil na duwag at dahil narin hindi sineryoso ang pag pagsubok lalo na yung mga lalake. Kaya palagi kong inaalala na baka susuko nalang si Black. Mga lalake kase ang sasabak para makita ang babae pero may ibang letra na sila gagawa pareho para makita ang isa't-isa.
Laking gulat ni Ruth nang malaman na sasabak ako kasama ang partner ko. Palagi niya akong tinutukso na hindi na daw ako nbsb dahil may jowa na ako kaso hindi ko manlang mahawakan ngayon.
Nasa library ako ngayon kasama ang mga kaklase kong babae. Wala dito si Ruth kase kasama niya yung bebe niya si Lj. Sa gitna nang katahimikan biglang sumulpot si Jack.
"Amalie, pwede ba kitang makausap?". Tumango ako at tumayo. Nag paalam muna ako sa mga kaklase ko.
Nang makalabas kame sa library dinala niya ako sa lugar na tambayan naming dalawa.
"bakit mo pala ako tinawag?". Tanong ko sa kanya matapos umupo sa bench.
"may jowa ka na daw?". Nagulat ako sa tanong niya. Bumuntong hininga muna ako bago sumagot.
"hay Ruth, yeah"
"sino?"
Tiningnan ko siya sa mata. Pagsabihin kong VR baka anong mareak niya. Pero wala na akong pake.
"pag may mag tanong sabihin mo long distance ah.. Actually sa VR". Gaya nang inaasahan ko grabe siya mag reak.
"Anoo!!!". Bulyaw niya.
"sshh, tumahimik ka nga".
"wow!" he stunned in desbelief. I nodded while clenching my teeth.
"wow, congrats. So official na talaga kayo?". Tumango ako. "and who's that lucky guy?".
"Newbie".
"as in wow!" he snorted while grinning his teeth.
"sorry". Sinubukan niya kase akong ligawan dati pero tinanggi ko.
"it's okay, mas pinili mo yung malayo kesa sa malapit ayos lang basta mahal niyo ang isa't-isa. Nireject mona ako nang dalawang beses dahil sa kanya. Sana hindi siya gagawa nang bagay na ikakasisi mo na nireject mo ako." ngisi niyang sabi.
"wow hahaha ang lamig, ang hangin mo kase". Tawa kong sabi sa kanya. Tumawa rin naman siya.
Tumayo na ako mula sa bench.
"wala ka na bang tanong?". Tanong ko sa kanya. Umiling siya. " paano aalis na ako, hinihintay kase ako ng mga kaklase natin sa library. Group study hahaha".
"sige,sige. Bumalik kana doon."
Ngumiti ako bago tumalikod sa kanya. At umalis na.
Gwapo naman siya malakas ang appeal at medyo nakakatuwa. Palagi siyang nakangiti at tumatawa. Kung hindi lang siguro ako nahulog kay Black baka sinagot kona siya. Pero sa lahat ng nireject kong lalake parang siya yung mahirap i reject pero buti nagawa ko. Kahapon ang huling reject ko sa kanya. Sa kanya galing ang pagkain dinala ni Ruth para sa akin sa infirmary. At buti nalang magkaibigan parin kami kahit na nireject ko siya dahil ayaw kong magbago yun dahil lang sa nireject ko siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/217526522-288-k267962.jpg)
BINABASA MO ANG
YOUR NAME (completed)
Novela JuvenilA/N: this is a short narration! Plot Summary: A Dating site that officially under controlled by the so called government. Site that'll connect to your phone system to protect your true identity from your assigned virtual partner. Called Virtual Rel...