[89] Azura

34 3 0
                                    

“We're here”. Rinig kong sabi ni Mel mula sa front seat. Matapos tanggalin ni Sheena ang seat belt niya ay sumunod na rin ako at sabay kaming lumabas sa kotse.

Nang makalabas ako sa kotse isang bahay ang nakita ko. Tulad sa amin isa itong subdivision ngunit malaki nga lang ang mga bahay dito na parang sa mga mayayaman.

Hinawakan ni Sheena ang kamay ko.

“halikana!” ngiti niyang sabi. Parang siya pa ang excited sa akin. Naglakad na kami na inunahan naman nina Mel at Ian. Kaming dalawa naman ni Sheena sa likod.

Pumasok kami sa gate na pinagbuksan naman ng lalakeng moreno ngunit may itsura naman siya.

“Hi, ako si Rick.”. Pakilala niya sa akin. Ngumiti ako. “kanina kapa hinintay ni Killian”.

Killian? Siya ba si Black? Familiar sa akin ang pangalang iyon. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Unang pumasok si Mel at sunod si Sheena, ako at nasa likod ko so Ian .  Maganda ang loob at at parang tahimik. Wala ba ang mga magulang niya? Dumapo ang tingin ko sa mga frame gusto ko man tingnan pero dahil palayo na sila kaya nagpatuloy nalang din ako sa paglakad.

Umakyat na kami ng hanggang sa may nakasalubong kaming lalake. Maputi siya at gwapo ngunit mukhang suplado. Pero nagulat ako nang lumapit siya sa akin at nagpakilala.

“my name is Jules”.

“Amalie”
Matapos ay tinalikuran niya na ako at tumungo sa may pinto. Binuksan niya ang pinto.

“let's go inside”. Sabi niya sa amin. Nang pumasok na sila ay sumabay narin ako.

Walang ka disen-disenyo ang kwartong to at malawak. Tanging dalawang couch at mesa lang nakikita ko. Mga 2x ng kwarto ko ang lawak dito. Plane lahat ang nakikita ko.

Sinundan ko ang tinahak ng mga mata nila at nakita ang lalakeng nakahiga sa kama. Tila huminto ang pagtibok ng mga puso ko nang makita ang itsura niya. May nakabalot na bandage sa ulo niya. He's not dead or more like he's just sleeping like a sleeping beauty.

“siya ba si..”

“siya si Killian aka Black”. Sheena interjected.

Mahina akong napasingap. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Huminto ako nang napansin ang mga injections at mga gamot sa mesa. Kaya napakagat labi nalang ako. Trying my self not to cry especially not infront of him. I'm happy at the same time sad. Ngayon ko na nga lang siyang nakita sa ganitong sitwasyon pa. Mas lalong nagloloko ang tibok ng puso ko. Kumurba ng ngiti ang labi ko dahil sa saya na nakita ko na siya. Alam kong buhay pa siya at natutulog lang.

The inner portion of my brows raised as I probing a visual caress at him. Gusto ko siyang hawakan at yakapin pero natatakot ako. He looks fragile that I couldn't even bring my self to touch him. Halatang pumayat na siya. How long has it been anyway? Parang kailan lang nagtama ang mga mata namin at ngayon medyo pumayat siya pero dahil sa medyo maskulado siya hindi halata.

I turned towards them.

“ilang araw na siyang nakahiga?”. Tanong ko sa kanila nang nakayuko. Nahihiya ako sa kanila.

“simula nang ma aksidente siya ang haba ng tulog niya, sabi ng doctor wag siyang igising hanggang siya mismo ang gigising”. Si Mel. “doon tayo sa couch mag usap”

Tumango ako at humakbang na kami sa couch. Saglit kong tinapunan nang tingin si Black bago umupo sa couch at tumingin sa kanila. Hindi parin ako sanay sa totoo niyang pangalan.

Ngayon ang pagitan namin ay kasing layo nang una ko siyang nakita.

Binalik ko na ang atensyon sa kanila. Katabi ko si Sheena at katabi niya naman si Rick left side niya. Si Mel naka-upo sa isang couch na kaharap namin. Sa pagitan si Ian nila Mel at Jules. Tumingin sa akin si Mel na ka-linya kolang.

“alam mo ba kung bakit na shut down ang site?”. Seryoso niyang tanong.

“dahil sa may hacker?”

“paano mo nalaman?”. Seryoso parin ang tingin niya. Her eyes encouraging me to answer.

“huh? Edi diba ganyan naman nangyayari pag na-shut down ang site?”. Bantulot na akong napangiti. Bakit naman parang may inaasahan pa silang sagot sa akin.

“other reason”

I raised my brows in surprise.

“rason? Yun lang ang alam ko. Dati kase na shut down ang site at nang bumalik saka pa ako sumali sa game”. Paliwanag ko. Nakita kong bumuntong hininga si Jules.

“are you sure that's the reason?”. Ulit ni Mel.

“why? Is there any other reason you expected from me?”

Nakita kong bumuntong hininga rin siya at sinandal ang sarili sa couch.

“alam mo na ba ang tungkol sa connection na meron ka sa government?”. Si Jules.

Bakit ba mukhang big deal to sa kanila? Eh site lang naman yun.

Sinabi ko sa kanila na sinabi sa akin ni Ate Rose ang tungkol sa connection ko 1 week ago. Hindi na sila nagulat at parang alam na nila una palang.

“nang mashut down ang site, naisipan ni Killian na hanapin ka dahil alam niyang hindi ito malalaman ng mga government..at dahil sa watcher ako pwede ka naming hanapin pero hindi namin hawak ang system ng phone mo kase nasa government iyon..luckily Jules is here. Pwede rin siyang matawagang hacker, he help us and find out that the hacher was after the crown princess...”

Crown princess? Ibig sabihin si Si..

“Ancilha”

“bakit? Ka-assigned virtual partner niya ba yun? Nainlove rin ba sila?”

“oo at hindi. nalaman naming ang assigned virtual partner niya ay ang heartthrob player ng VR”.

Sa game kase, ang ibang player ay binibigyang position ng government ayon sa totoong buhay nila. Ibig sabihin ang lalakeng iyon ay kilalang heartthrob in real life kaya ganun din siya binigyan ng position ng mga government sa game. At ang heartthrob player na iyon walang iba kundi si Axel Grehn. Kasali din siya sa mga gang at leader ng Mob brotherhood. Nakakatanggap siya ng mga award bilang leadership o mga ibang achivements sa game. Pero bihira siya makatanggap ng virtual partner. Nalaman kong in three years niyang player tatlo lang ang naging virtual partner at lahat yun natapos niya in 3 months at nanalo. Ipang apat siguro ang crown princess.

“tinalo siya ng crown princess. Just after their 3 months virtual relationship may bagong assigned partner si Ancilha. Nalaman rin pala namin na may kilala ding watcher si Axel. And he was furious when he found out his thermometer is in 100% while his partner only 45 percent..” Woah! As expected sa crown princess.
“that guy was crazy in love with her”

“anong nangyari?”

“kaya ni-hack niya yung site para hanapin ang identity ni Ancilha.. Nang nakita namin ang system niya naka secure dahil alam nilang ito ang habol ng hacker. Hindi namin alam anong plano ni Axel kung bakit niya yun ginawa. Nang aksidente naming nakita ang system niya we found out he's the only son of Mr. Anthony Mondragon and heir of CAN casino and BS Mall...”

Saglit nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. CAN Casino ibig sabihin sobrang yaman nila. Ito ang casino na nasa Mexico at BS Mall na ang pinaka malaking mall sa syudad na ito. I think?

“kaya pala ganun na lamang siya kagaling mag hack ng system. Kase isa ito sa mga field niya. Nakausap namin siya at sinabi niyang hahanapin niya ang crown princess matapos niyang makuha ang identity nito dahil nahulog na siya sa babae at ayaw niyang pakawalan ito kaya gagawa siya ng paraan para mahulog din sa kanya ang babae though I don't know how. Pero nag aalala ako sa babae kase si Earl Vincent Mondragon is an arrogant guy”

“bakit mo sinasabi sa akin to?”. Tanong ko kase hindi naman ito ang gusto kong malaman kundi paano napunta si Black sa ganyang sitwasyon. Nakita kong tinapunan niya nang tingin si Jules na parang sinasabing siya na ang sumagot. Kaya bumalin ako kay Jules.

“hindi lang si Earl ang nagpasindak sa amin kundi pati narin sayo”

Kumunot ang noo ko at medyo kinabahan.

“Amalie Garcia, sister of the First founder of the VR Game.”. He made it sound so thrill.

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon