[83] Azura

37 4 0
                                    

Nasa labas kami ngayon ng isang University. Bigla kong naalala si Black dahil college din siya. Hindi ko nga lang alam kung anong eskwelahan ang pinasukan niya. Matapos ang ilang minutong paghihintay, isang magandang babae ang lumapit sa amin. May maamo itong mukha at mukhang hindi makakabadag pinggan. Naka blonde hair siya na buhok hanggang balikat.

“Ate!”. Nagulat ako sa tawag sa kanya ni Jack. Siya ang ate niya?. Nakita kong ngumiti ang magandang babae. Bumalin siya sa akin at marahang ngumiti kaya wala akong nagawa kundi ngitian din siya kahit medyo nahihiya ako.

“ikaw siguro si Amalie, ako si Rose”

Dinala kami ng ate niya sa isang fastfood na malapit lang sa dorm nila. Habang pumipila si Jack para umorder ng pagkain namin kinausap ako ng ate niya.

“so ikaw ang Queen of player ng 2019?”. Pabulong niyang sabi para walang makarinig. Marahan naman akong tumango. Nakita kong ngumiti siya bago ulit magsalita.

“kinwento din sa akin ni Jack tungkol sa nagyayari sayo ngayon. Pareho pala talaga tayo”. Matapos niya yung sabihin pansin kong bumuntong hininga siya at bumalin sa baba.

“nagkita ba kayo?”. Gusto ko nang malaman ang nangyari sa kanila noon , kung pareho kami nang pinagdaan baka kung anong nangyari sa kanya noon, mangyayari rin sa amin ngayon.

Ngumiti siya at tumingin sa ibang direksyon hindi kona sinundan ang tinahak ng mata niya ngunit masasabi kong sa direksyon ni Jack siya nakatingin.

“naalala mo yung huling hack ng site?”

“opo, pagkatapos nun, saka pa ako nakasali sa VR”

“ganun ba, nung panahon yun dalawang araw nalang bago namin makita ang isa't-isa ngunit kinabukasan biglang may nag hack sa site kaya dahil sa pagalala ng mga government na baka makita nang hacker ang mga identity ng mga player kaya naisipan nilang i shut down ang muna ang game ng dalawang linggo...”

“sumpa ba yan sa mga Binansagang Legend? O coincidence lang talaga?”. Napatawa naman siya ng mahina sa sinabi ko. Kase naman Queen of legend na inlove pala noon at bago pa sila magkita na shut down ang site at ganun din ang nangyari sa akin ngayon.

“siguro coincedence”. Binalin niya ang kanyang tingin sa labas ng bintana. Kaya kita ko ang tagilid ng mukha niya. Ang ganda niya talaga at ang tangos pa ng ilong.

“naghintay ako at matapos ang tatlong linggo nagkita kami”. Sabi niya at bumalin ulit sa akin.

“ganun ka tagal?!”

Tumango siya.

“ang tagal naman nun”. Reklamo ko.

“kung mahal niyo ang isa't-isa ang maghintay ng ganun katagal ay madali lang kung gusto niyo talagang makita ang isa't-isa”

Biglang sumanib sa isipan ko ang sinabi ni Black na hihintayin ko siya at sinabing kong oo kaya natauhan ako sa sinabi niya.

Sana kung ano ang nangyari sa kanila noon sa huli ganun din ang sa amin. Magkikita kami nang hindi sumasabak sa pagsubok na gagawin ng mga government tulad nang nangyari sa kanila.

Marami pa siyang nai-kwento sa akin tungkol sa nang nangyari sa kanila noon at mga paalala sa akin at mga advice and it was a wake up call for me.

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon