[20] Azura

42 6 0
                                    

"anong  ibig mong sabihin?". Tanong sa akin ni Ruth. Naglalakad kami ngayon sa campus hindi alam saan ang pupuntahan.

"gusto kong maglibang". Sagot ko sa kanya. Kita ko naman ang ngiti sa labi niya. Kailangan kong libangin ang sarili ko para hindi ko siya maalala. Masyado na akong naapekto sa kanya ayaw kong mahulog.

Buti nalang at maaga ang pag uwi namin ngayon sinabi ni Ruth na pupunta kami ngayon sa videoke sa may billiaran na malapit lang sa eskwelahan dahil doon naman ako ngayon sa bahay ni Ruth matutulog at pumayag si Mama at Papa. Syempre hindi lang kami dalawa ang mag v-videoke kundi kasama rin ang iba naming kaklase. Bale pito kami at kasama narin si Lj at Jack.

Habang kumakanta si Enie hindi naman umalis sa mga labi ko ang ngiti. Hindi ako nagkamali na enjoy ko ang pagkakanta ng mga kaklase namin. Tawa doon tawa dito hindi namin pinapansin ang mga lalakeng naglalaro nang billiard sa baba videoke naman to eh kaya hindi sila mag rereklamo. Sumunod si Kael at bigla ko nalang naalala si Black at ang magandang boses niya kaya bigla nalang akong sumimangot. Nang mapansin kong wala na akong curls tumayo ako at tumungo sa baba na may maliit na tindahan. Nasa itaas kase ang videoke at sa baba ay ang billiaran.

Pagkababa ko ang ibang lalake ay napabaling sa akin. Panay pa ang pagkuha nila sa atensyon ko. Miss nang miss. ito talaga ang ayaw ko kaya hindi ko nalang pinansin.

Tumunog ang cellphone ko kahit na medyo maingay alam kong cellphone ko iyon dahil nag vibrate ito kaya kinuha ko ito mula sa bulsa.
Bigla nang nag flash ang notification sa screen bago kopa ito na unlock.

Virtual Relationship World.
Black sent you a message.

Pero hindi ko nalang pinansin at inoff na ang cellphone ko. Nandito ako ngayon para mawala ka sa isip ko please! wag muna ngayon.

YOUR NAME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon