Kabanata 10

236 15 0
                                    

Alam kong nagtataglay ako ng bagay na iyon. Sa hindi ko malamang dahilan. Bakit ako mayroon nito? Sila ang mga magulang ko, hindi ba nila nakita sa katawan ko noong ako'y sanggol pa lamang? Isang propeta si Lady Delohr, hindi ba niya nakita na nagtataglay ako ng kapangyarihang kakaiba? Hindi ba nila naramdaman man lang?

Hindi ko man gustuhin. Ayoko talaga sapagkat salungat ito sa Alteria. Ngunit hindi ko alam kung paano ito aalisin. O kung maaalis pa ba. Hindi ko masabi sa kanila sapagkat hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila.

Natatakot ako.Pinanood ko itong maglagablab sa palad ko.

"Hindi kita gagamitin. Mananatili ka sa katawan ko at magiging isang lihim."

Patakas akong umalis sa palasyo. Ayokong may kung sino ang sumusunod sa akin. Tinunghayan ko ang kastilyo. Nag-umpisa ang mga ilusyon ko simula no'ng pumunta kami dito ni Kiana. Pumasok ako sa loob. Sa kaparehong dinaanan namin.

Napupuno na ng alikabok at mga sapot ang kastilyo. Mas malinaw sa akin ang lahat. Napakatahimik ng lugar. May malawak na bulwagan. Kalahating parte ay nawarak na. Pero sa gitna ay buo pa rin ang isang trono. Nakikita ko na nakaupo dito si Gideon. Malamang ay dahil siya ang Hari nila. Pag-aari niya ang upuang ito.

"Narito ka."

Nanliit ang mga mata ko.

"Bakit mo ba ginugulo ang isip ko, Gideon?" lumapit ako sa trono niya. Nakangiti siya sa akin.

"Hindi kita ginugulo, pinapaalala ko lang sa 'yo na kasama mo ako." aniya sa malalim na tinig.

"Para ipaalala ko sa 'yo. Hindi kita kasama. Dahil patay ka na. Nabubulok na ang katawan mo. At wala ka nang magagawa." pang-uuyam ko. Nagbago ang ekspresyon niya at ako naman ang ngumisi.

"Pilit mong itinatanggi sa iyong sarili, Prinsesa. Napatay mo man ako, kaming lahat na nagtataglay ng itim na apoy. Ngunit alam mo sa iyong sarili na mayroon pang natitira."

Mas naging matunog ang aking ngisi.

"Wala na, Gideon. Dahil ikaw na ang huli."

"Matuto kang tanggapin ang iyong pagkatao. May kadiliman sa loob mo at hindi mo iyon maitatanggi." giit niya. Blangko ko siyang tinignan.

"Ang kadiliman ay hindi magwawagi sa kabutihan. Napatunayan ko na iyan noong tapusin kita gamit ang Meihr at puting apoy."

Kita ko ang pagngitngit niya.

"Mas lalong nag-uumapaw ang kapangyarihan sa loob mo, Prinsesang Arden. At tandaan mo, ano mang oras ay maaaring maghari ang kadiliman sa iyo." bumalik ang kanyang ngisi. "At batid kong nag-uumpisa na ito."

Mariin kong naikuyom ang mga palad. Pinalagablab ko ang puting apoy sa aking kamay kaya mas lalong lumawak ang ngisi niya.

"Huwag kang mag-alala dahil kasama mo ako. Tuturuan kitang paigtingin ang kadiliman sa loob mo."

Umalingawngaw ang mala-demonyo niyang tawa. Ang apoy sa kamay ay hinagis ko sa tronong iyon. Hindi ako tumigil hangga't hindi iyon natutunaw at mauwi sa abo. Napatay ko na siya. Pero ang kanyang kadiliman ay narito pa at pinaglalaruan ako. Ngunit hindi ko siya hahayaang magwagi sa nais niya.

Ang itim ay itim. Ang puti ay puti. Pero mananatili ako sa panig kung saan ako dapat. Isa akong Alterian at mananatili akong ganoon kahit na mayroon ding itim sa loob ko. Puting apoy ang mas nakahihigit na kapangyarihan ko.

Winged (Sequel To Serin Of Alteria)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon