Kabanata 17

190 11 0
                                    

Sa mga oras na pinagsamahan ay napapansin ni Serin ang mabait na personalidad ng Hari ng Mexares, may pagka-istrikto man ang mukha ay palangiti naman ito sa harap nila. Kabaliktaran ng dalawang magkapatid na palaging seryoso at maigting ang pinapakitang ekspresyon. Ramdam niya ang maka-ilang ulit na pagsulyap sa kanya ni Zanard ngunit hindi niya iyon binibigyan ng pansin. Hindi naman talaga siya narito upang sumabay sa hapag, kun'di para makita at makilala lamang ang mga bisita ng Ama.

"Hindi ka ba kakain? Kailangan mong lumakas, dalawang araw kang walang malay." Ang Reyna ay naglagay ng pagkain sa kanyang plato, hinawakan niya ang kamay nito at pinigilan.

"Kumain na po ako, Ina." aniya at nginitian ang Ina. "Kasama ko si Lucas." nilingon niya ang kaibigan.

"Dalawang araw?" hindi maiwasang tanong ni Geneva.

Nagtataka rin ito dahil dalawang araw na ang lumipas noong huli nila itong makasalamuha. Ibig sabihin lamang na maaaring wala pa itong nabanggit na kahit na ano sa mga magulang.

"Masyadong mahaba." tumingin siya kay Zanard, binigyan ng makahulugang tingin ang lalaki.

"Ganoon talaga ako, antukin ako, e." kibit balikat niyang biro na hindi naman nakuha ang kiliti ng mga magulang.

Bagkus ay binigyan lamang siya ng mapagbantang tingin ng Hari at Reyna. Lingid sa kanyang kaalaman na labis ang pagkabahala ng mga ito dahil sa nangyari sa kanya, na halos ikahina ng Reyna ang kanyang pag-aalala.

Mariing nakatingin si Lucas sa gawi ni Zanard, hindi niya maalis ang tingin sa lalaki dahil kanina niya pa napapansin ang pagsulyap nito sa gawi ni Serin. Gusto niya munang umalis ngunit agad na naalerto ang kanyang diwa dahil kay Zanard. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito dahil blangko ang ekspresyon at bihira lamang magsalita ang lalaki.

"Ang Mexares ay himpilan ng mga dragon, inaasahan ko na mayroon akong makikita na iyong kasama ngayon." muling pagbubukas ng usapan ni Haring Marcus, tumalima ang isang Hari at ngumiti.

"Mayroon, ang aking alaga ay kasama ko. Si Fyro, isa sa pinakamabait at pala-kaibigang dragon ng Mexares." ulat nito,

"Nais ko sanang magtanong," bumuntong hininga si Haring Marcus at tumingin sa isang Hari, "Sa inyo ba nanggaling ang dragon ni Gideon?" deretso niyang sabi.

Natigilan si Haring Thiodore pati ang kanyang mga anak. Si Serin naman ay napukaw din ang pandinig dahil sa tanong ng kanyang Ama, at nais niya ring marinig ang kasagutan.

Batid ni Haring Marcus na walang namumuhay na dragon sa kabilang lupain, walang dragon sa kaharian ng Sevahlar noong unang panahon. Kaya naman ngayon na kaharap niya ang Hari ng mga dragon ay nais niyang marinig ang salita.

"Hindi ko maipagkakaila ang bagay na iyon." Walang kasinungalingan at wala rin namang iba pang isasagot si Haring Thiodore kun'di sabihin ang katotohanan sapagkat ang kanilang kaharian lamang ang pinamumugaran ng mga dragon.

Napatingin si Haring Marcus kay Serin na tahimik na inuunti-unti ang pagkain. Sinalubong niya ang tingin ng kanyang Ama at bahagya itong nginitian.

"Matagal na panahon na iyon, isa pa lamang itlog ang kapatid ni Fyro nang ibigay ko sa kanya. Hindi ko man nais ay wala akong pagpipilian dahil sa ako ang may kailangan." paglalathala niya. Nakikinig si Serin sa pagpapaliwanag ng Hari, "Hiningi niya ang dragon kapalit ng paglunas sa aking Reyna. Hindi ko inaakalang ginamit niya iyon sa kanyang masamang gawain." napabuntong hininga ang Hari.

Winged (Sequel To Serin Of Alteria)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon