Kabanata 52

244 12 0
                                    

"Tila pagod ka." nakatitig siya sa biswal ng taong magpapalubag ng kanyang loob. Inangat niya ang hintuturo at dinikit ang dulo niyon sa noo ng ginoo. "Natuyuan ka ng pawis. Hindi ka nagpunas, 'no?" pinanliitan niya ito ng mata habang inuusig ang kabuuan ng ginoo.

Tumayo siya sa upuan at kumuha ng isang bandana upang punasan mismo ang noo ni Lucas. Napangiti ang ginoo sa kalambingan nito ngunit kalauna'y hinuli niya ang kamay ni Serin.

"Maupo ka nalang at huwag nang mag-abala pa." maingat niyang hinila ito upang pabalik sa pagkaka-upo.

"Hayaan mong gawin ko." pag-alma ni Serin. Ngumiti si Lucas at inilingan siya. "Bahala ka nga." kunwari ay asik niya at binitawan ang pamunas.

Laking pasasalamat niya dahil pinagbigyan siya ng mga magulang sa kanyang kahilingan. Nauunawaan ng mga ito ang kanyang dinadamdam kung kaya't hindi nag-atubili ang Hari at Reyna na pahintulutan si Lucas na makasama niya.

Mayroong nakabantay sa labas ng kanyang silid subalit sa loob ay naiwan silang dalawa ayon na rin sa kanyang kagustuhan. Kahanga-hanga na sumang-ayon ang kanyang Inang Reyna na iwan muna silang dalawa.

Bahagyang ngumiti si Lucas. "Nagpunas ako. Pinagpawisan lang ulit dahil.." nabura ang maikli niyang ngiti at tinitigang maigi ang mayuming mukha ni Serin.

May kung anong emosyon ang dumaan sa kanyang abuhing mata nang maalala ang sitwasyong pumasok sa isip niya kanina.

"Nagmadali rin ako tungo dito upang sundan si Ina." mahinang usal niya at hindi maiwasang idampi ang palad sa malambot na pisngi ng Prinsesa.

Hindi niya maatim ang halusinasyon na kagamba-gambala para sa kanyang isip lalo na sa kanyang puso. Dinudurog siya nito kahit hindi totoo.

"Patawad, Lucas. Batid kong abala ka sa pag-eensayo subalit ninais pa rin kitang makasama. Napaka-makasarili ko." nahimigan sa tinig ni Serin ang paghingi ng despensa.

"Hindi ka kailanman magiging abala sa akin. Uunahin at uunahin kita. At isa pa, sadyang ginusto ko rin na makasama ka ngayon kahit hindi mo hiniling." ganti ni Lucas at kinuha ang isang kamay niya upang pisilin. "Akala ko'y may nangyari nang hindi maganda sa 'yo. Labis akong nangamba." sumiglaw ang kanyang lungkot at pilit winaksi ang kanyang naging halusinasyon kanina.

Naroon pa rin ang emosyong sumusukal sa pinaka-ilalim ng kanyang damdamin. Napakalaking parte ng kanyang puso ang nais makapiling si Serin. Pansamantalang naisawalang bahala niya ang kanyang dapat na layunin sa pamantasan.

Sa ngayon, wala nang mas mahalaga pa kay Lucas kun'di makasama ang mahal niya. Matapos niyang makita ang halusinasyong may nangyaring masama kay Serin ay lalo siyang naudyukan na huwag lisanin ang tabi nito.

Pakiramdam niya, mawaglit lang ang kanyang atensyon niya kay Serin ay nanghihina na siya.

"Hindi ko alam ang nangyari. Nawalan ako ng malay. At ang aking panaginip, hindi maganda at kinamumuhian ko ang aking nakita." emosyonal na lathala ni Serin sa kanya.

Nangingilid ang luha sa mala-hiyas nitong mata. Sinalubong niya ang tingin ni Lucas. Ang abuhing mata ni Lucas. Sumidhi ang kanyang silakbo habang nakatunghay sa abong mata na iyon.

"Serin, tumahan ka. Ano bang nagpapabigat sa iyong loob?" nangunguhang loob niyang litanya at hinila ang silya palapit sa kinauupuan ni Serin nang hindi binibitawan ang kamay nito. "Anong problema? Sabihin mo sa akin at susubukan ko itong palisin." mahinahon niyang wika at sinapo ang mukha ni Serin.

Winged (Sequel To Serin Of Alteria)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon