Kabanata 18

203 10 0
                                    

Matapos magkaroon ng pormal na hapag ay nagkaroon ng kaunting diskusyon sa pagitan ng dalawang Hari. Nakasunod ang mga kawal ni Haring Thiodore kasama ang kanyang kanang kamay. Parehong nakatunghay sa malawak na sanayan ng mga kawal at pinapanood ang bawat duwelo at pag-eensayo na nagaganap. Mayroong nakalatag na inumin sa kanilang harap habang nakatingin sa ibaba, kung saan kitang-kita ang bawat pangyayari.

Kung kanina ay palangiti ang Hari ng Mexares at nagtataglay ng pala-kaibigang ekspresyon, ngayon ay naaaninaw na sa kanyang mukha ang pagse-seryoso at awtoridad na tinataglay ng bawat Hari. Lalo at katatapos lamang nilang mapag-usapan ang tunay na layunin kung bakit sila narito ngayon sa Alteria.

Samantalang si Haring Marcus naman ay hindi nababago ang ekspresyon kahit na isinatinig ng kanyang panauhin ang kanyang hangarin kung bakit lumapit ang Mexares sa Alteria. Nanatili itong kalmado, bigla mang napaisip ngunit naroon pa rin ang kanyang yuswal na tindig at pormalidad.

"Hindi ko magagawang mapagbigyan ka sa iyong alok, ipagpaumanhin mo." inabot niya ang kopita na naglalaman ng alak at saka iyon sinimsim, ginawa naman ni Haring Thiodore ang kaparehong bagay.

"Marahil ay binigyan kita ng biglaang palaisipan, ngunit ako ay maghihintay hanggang sa magbago ang iyong isip." pormal din na litanya niya, bumuntong hininga si Haring Marcus bago saglit na tignan si Ser Lumnus na nakatayo sa kanyang tabi.

"Ikinararangal ko, Haring Thiodore. Naglakbay ka ng ilang daang milya upang mabisita ang Alteria. Alam kong may malalim kang dahilan ngunit hindi ko inaasahan na ganito," usal ng Hari, pinagkiskis ang mga daliri at pinakatitigan ang kanyang anak na naroon sa ibaba, "Pinaghirapan iyon ng aking Arden, at hindi ko iyon magagawang ipagsubali." aniya pa.

Matunog ang pagbuntong hininga ng isang Hari at mas lalong bumanaag ang pagseryoso. Dama niya na hindi basta-basta makukuha ang pagsang-ayon ni Haring Marcus sa kanyang kagustuhan. Sa kabila niyon ay nagawa muli nitong ngumiti gaya ng kanyang unang pinakita sa mga Alterian.

"Nauunawaan ko," maikling tugon nito, hinarap si Haring Marcus at itinaas ang hawak na kopita. "Para sa magandang hangarin, kamahalan." pormal nitong wika.

Bahagyang ngumiti si Haring Marcus at itinaas din ang hawak na kopita at nagsanggaan ang dalawa, simbolo ng magandang usapan sa pagitan nila.

"Siya nga pala, ipagpaumanhin mo ang inasal ng aking anak na si Zanard kanina. Batid kong naging madamdamin siya sa ganoong talakayin." bumalik sa dating pala-kaibigan ang tinig ng Hari.

"Nauunawaan ko ang ganoong sitwasyon, marahil ay lubos niyang minamahal ang taong kanyang tinutukoy." komento naman ng isa, naka-kunot ang noo habang nakatunghay sa ibaba.

Naroon si Serin at kausap si Geneva, nagtaka siya dahil hindi naman pala-kaibigan ang anak niya. Ngunit ngayon ay nakikita niya itong malapit sa Prinsesa ng Mexares.

"Iyon ay.. ang babaeng tinitibok ng kanyang puso, babaeng labis niyang minamahal." deskripsyon niya sa taong tinutukoy ng kanyang anak.

"Tunay ngang nakakadurog ang mawalan ng minamahal, at tama siya, napakasakit ang magluksa." may himig na emosyonal na giit ni Haring Marcus, hindi mawaglit ang tingin kay Serin. "Maaari bang malaman kung bakit siya nawala?"

"Pinatay siya,"

Pareho silang napalingon sa boses, naroon si Zanard sa yuswal na madilim na ekspresyon kasama si Gwain na nasa kanyang likuran.

Winged (Sequel To Serin Of Alteria)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon