Kabanata 71

266 10 2
                                    

Nakatitig si Lucas sa nayayamot na mukha ni Eve. Halatang natutuwa siya sa pag-away sa kanya ng bata, hindi naman siya nasasaktan sa mga palo ni Eve. Sa paghampas ko nga sa dibdib niya'y hindi siya nasasaktan, paano pa sa maliit na kamay ng paslit?

Manhid.

"Bitaw mo na ate ko! Sugat kita." maliit niyang banta at tinapat ang palad kay Lucas.

"Huwag, anak." awat ni Ada sa anak dahil batid niyang desidido ang paslit.

Kaya niyang maggawad ng sugat sa kahit na sino, namana niya kay Ada. Nasubukan na niya itong magamit at sa kanyang Ama mismo noong niloloko nito si Eveanna.

"Ayaw niya bitaw ate po, Nana." nagsusumbong siya at maluluha na. "Sumbon siya Hama. Paya galit Hama. Payusa payusa!" at mangiyak-ngiyak siyang ngumuso.

Napatingin sa amin si Ada, parang nangingiti na ewan. Natauhan ako at biglang ginapang ng hiya. Nakatitig sila sa amin! At ayaw kong kung anong isipin nila, gayong nakahubad pa itong ungas. Masama ko siyang tinignan.

"Ibaba mo ako." malamig kong utos.

Tinignan niya ako, nakangiti siya kaninang nakatingin siya kay Eve ngunit ngayon ay napawi na.

"May pilay ka."

"Hindi ako baldado." angil ko. Hindi ko na nga naramdaman iyong sakit sa paa ko dahil sa mga nangyari.

Tila wala siyang balak na gawin iyon kaya sinubukan kong tumalon kaya lang ay mahigpit siyang humawak. Naiinis na ako at kahit na alam niyang maraming mata ang nakasubaybay ay wala siyang pakialam. Gusto niya pa bang mag-away kami dito?

Ayaw kong mahampas ulit siya gayong napupuno na ang init ng ulo ko. Lalo't nakita ko na naman si Zelle. Inaabangan niya ang mga taga-silbi na papalapit at may hawak na mga balabal para sa amin. Kinuha niya ang isa at mukhang balak ibalot kay Lucas iyon.

Nagngitngit ako at hinampas ulit ang dibdib niya sa inis. Wala pa mang aksyon si Zelle ay umiinit na ang ulo ko.

"Ibaba mo ako!" at hinampas ko ulit siya. At wala siyang pakialam.

Hindi niya alintana ang namumula at may galos niyang dibdib dahil sa paglapat ng aking palad at kuko dito. Halatang halata ang lamat ng aking mga daliri sa dibdib niya. Lalo pa't maputi din siya.

"Ano ba ang nangyari? Bakit basang-basa ka?" si Ina iyon na kalmado, halatang hindi naman nag-alala at kampante siya.

"Nahulog ho siya sa ilog, kamahalan. Nabitak ang yelong kanyang inaapakan." si Lucas ang sumagot ngunit nasa akin ang titig. "Naligaw ang kamahalan sa kakahuyan. Tinakbuhan siya ng kanyang kabayo. At nadinig ko... humihingi siya ng saklolo." ngumisi ang loko.

Samantalang nagngingitngit na hinampas ko ulit ang kanyang dibdib.

"Humihingi ng saklolo? Ang kapal ng mukha mo, ginoo. Kaya ko ang sarili ko at hindi ko kailangan ng tulong ng kahit sino lalo na ng tulad mong antipatiko!"

Nanliit pa ang maliit na niyang mata.

"Hindi mo ako kailangan?"

"Hindi."

"Kailanman?" bulong niya.

Tinignan ko siya ng masama. Nahuli kong nag-iwas ng tingin si Ina at napangiti. Sumimangot ako.

Winged (Sequel To Serin Of Alteria)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon