Kabanata 6

254 11 0
                                    

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Simula kasi kanina ay hindi na umalis pa dito si Ser Lumnus. Para bang binabantayan ako. Ibang-iba sa Ser Lumnus na nakagawian kong makasama. Hindi na rin ako nakaupo sa damuhan dahil nagpadala siya ng upuan dito para sa 'kin. Katabi ko si Kiana na tahimik din.

"Ser Lumnus.."

"May ipag-uutos kayo, mahal na Prinsesa?"

Kumunot ang noo ko. Bakit ang pormal niya?

"Wala po." sagot ko.

Napalobo ko ang pisngi habang pinagmamasdan siya. Ang seryoso niya talaga at hindi ako sanay. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakakaramdam ako ng takot sa kanya dahil sa pinapakita niyang ekspresyon at aksyon.

"Ganyan ba talaga ang Ama ni Lucas?" bulong ni Kiana. Inilingan ko naman siya.

"Hindi. Ngayon lang." balik kong bulong.

Itinuon ko nalang ang atensyon sa dalawa na hanggang ngayon ay hindi pa tapos sa ginagawa nila. Bumubuo sila ng tore at hanggang baywang na ni Lira ang taas nito.

Masyado silang abala at hindi kami nagawang tapunan man lang ng tingin. Hindi ko pa nakakausap si Lira para humingi ng pasensya sa kanya dahil sa nangyari.

"Puntahan ko lang sila." tumayo si Kiana at lumapit kina Lucas. Tumayo din ako at susundan siya nang humarang sa 'kin si Ser Lumnus. Nagtaka ako,

"Bakit po?"

"Maupo ka."

Kinakabahan na ako sa pinapakita niya.

"Ser Lumnus, naman. Lalapitan ko lang sila Lucas."

"Maupo ka, mahal na Prinsesa." seryoso niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko.

Nasaan na si Ser Lumnus na kabiruan ko? Binibigyan niya ako ng hindi komportableng pakiramdam na sa Hari at kay Master Gustave ko lamang nararanasan. Nakakatakot si Ser Lumnus. Ngayon lang siya naging ganito sa akin.

Pareho sila ng ugali ni Lucas, palangiti at mapagbiro. Pero ngayon ay parang iba.

"Utos ng Hari." sambit ko. Wala naman nang magiging ibang dahilan kun'di iyon. Inutusan siya ng aking Ama na tratuhin ako ng ganito.

"Inatasan niya akong bantayan ka."

"Inatasan niya din ba kayong panlamigan ako ng trato?" dahil nakatayo siya sa tabi ko ay nag-angat akong tumingin sa kanya.

"Hindi. Tinatrato kitang ganito dahil iyon ang dapat. Isa kang Prinsesa at ako ay pinuno ng mga mandirigma ng iyong Ama. Dapat tayong maging pormal sa isa't-isa." aniya sa malamig na tinig. Napanguso ako.

"Hindi naman na po kailangan ng pormalidad, Ser Lumnus. Maaari niyo akong bantayan nang nag-uusap tayo ng normal gaya ng dati." nakangiti kong sabi.

"Hindi na tayo tulad ng dati, Prinsesa. Kaya asahan mong magiging ganito na ang pagtrato ko sa 'yo sa mga darating pang mga araw." puno ng konbiksyon niyang saad.

Ako naman ay napako ang tingin sa mukha niya. Bakit pakiramdam ko ay si Lucas ang nagsasalita?

Nasasaktan ako.

Lumaki akong napakabuti sa akin ni Ser Lumnus. Malambing siya at maalaga sa 'kin tulad ni Lucas. Siya ang tumayong Ama ko at kailanman ay hindi niya ako pinakitaan ng malamig at seryoso niyang pag-uugali.

Winged (Sequel To Serin Of Alteria)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon