Kabanata 42

248 9 3
                                    

"Hindi po kayo maaari dito, mahal na Prinsesa." bungad sa akin ng dalawang kawal. Hinarang rin nila ang mga hawak na sibat sa pasilyo na aking daraanan.

"Padaanin ninyo ako." kalmado kong sabi.

Narito ako sa kanang bahagi ng kastilyo. Sa parte kung saan naroon ang mga piitan ng palasyo para sa mga taong nagkakasala. Ngayon lang ako pumunta dito upang dalawin ang isang tao. At sinadya kong gabi na talaga tumungo sapagkat pinagbabawalan talaga ako ng Hari na pumunta dito.

"Hindi po maaari. Mainam kung may pahintulot mula sa kamahalan, mahal na Prinsesa." Sabi nung isa.

"Hindi ako magtatagal." mas mahinahon kong wika.

Nagkatinginan silang dalawa.

"Patawad, subalit-"

"Ayaw ko sanang magpumilit pa." naging malamig na ang tinig ko, ang mata ko'y ginto.

Natigilan naman sila at nasaksihan ko ang sabay na paglunok. Ayaw kong gamitin ang kapangyarihan ko upang ipanakot sa kanila. Kaya lang matitigas ang kanilang ulo. Padadaanin lang ako ang dami pang satsat. Hindi sila kumibo, 'ni hindi rin gumalaw. Kaya sinamantala ko iyon at nakayukong nilampasan ang kanilang sibat. Nang mangyari iyon ay agad kong tinakbo ang pasilyo. Tiyak kong makakarating na agad ito kay Ama kaya kailangan kong magmadali.

Nasa ilalim na parte na ito ng kastilyo, ang mga pader ay yari sa mga bato. Para bang kuweba, hindi nalalayo sa lugar kung saan din ako kinulong nila Lady Elvira. Ngunit maayos naman at organisa ang lahat. Ang mga selda ay komportable para sa mga nakakulong. May maaayos silang higaan at may sapat na espasyo. At sa halip na sulo ang nagbibigay ng liwanag, maliliit na aranya ang mga nakasabit.

Tila ba isang silid na ang kanilang mga selda, iyon nga lang ay rehas pa rin ang nagsisilbing pinto ng mga ito. At iyon ang pangontra sa kanilang mga mahika upang hindi sila makatakas. Bawat kulungan ay tinitignan ko ang mga mukha ng nakakulong. May mga kawal rin na nakabantay sa bawat selda. Malawak at hindi ko alam kung nasaan siya.

Subalit nagawi ang tingin ko sa pinakadulo. Hindi ako nag-atubiling puntahan iyon. Napatingin pa sa akin ang mga kawal na nakabantay sa katangi-tanging selda. Wala akong maramdamang kahit na ano habang nakatingin sa taong nakahiga sa isang komportableng higaan.

Bakit ikaw pa?


"Narito ka ba upang pagtawanan ako?" gising pala siya. Malawak ang silid na ito kumpara sa mga nadaanan ko.

Ang higaan niya'y maliit na kama, mayroong maliit na mesa kung saan nakapatong ang mga pagkain at inumin para sa kanya. Mayroon pa ngang palikuran. Kumpleto para sa isang ordinaryong silid.

"Walang rason upang pagtawanan kita..." mahina subalit tiyak kong abot-dinig niya. Humakbang ako at humawak sa isang rehas, saka pinakatitigan siya na ngayon ay nakaupo na. "Sapagkat wala akong nararamdaman kun'di awa."

Unti-unti ay tumingin siya sa akin. Walang emosyon, subalit nakikita ko sa kanyang mga mata ang hirap at pagsisisi. Sa lahat ng tao, siya pa talagang naging parte ng buhay nila Ama. Galit ako sa kanya ngunit naiinis ako sa sarili sapagkat tinutumbasan iyon ng awa.

Winged (Sequel To Serin Of Alteria)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon