Tago,takbo walang permanenteng tirahan kung baga ang bansag niya sa kanyang sarili ay.NPA meaning NO Permanent Address.Yan ang buhay ni Megan dela Paz, dati buhay prinsesa siya pero ng malulung sa sugal ang kanyang papa nasi Miguel nabaon sila sa utang at lahat ng ari-arian nila nabenta ,ultimo ang antique na kwentas na ipinamana sa kanya ng mama niya bago ito namatay pinagbili rin ng sugapa niyang ama.At ang masaklap pa bigla nalang naglaho ng parang bula ang kanyang papa,Kaya ngayon naiwan sa kanya ang lahat ng mga pagkakautang nito sa ibat ibang tao na siya ang binabalikan at sinisingil.Ang tanung paano niya babayaran ang lahat ng utang nito kung wala naman siyang mahanap na matinong trabaho. And then one day naging customer niya ang isang Theo Montanilla,na ubod naman ng gwapo. At dahil sa ka gwapuhan nito nataranta siya Kaya ang siste tumapon sa mamahalin nitong coat ang mainit na kapeng dapat ay eseserve niya dito. "Hindi mo ba alam na mahal pa sa sweldo mo ang halaga ng coat ko!". singhal nito sa kanya. "Sorry sir di ko po sinasadya." hinging paumanhin niya. "No, I wont accept your sorry.Be my Son's nanny and then were good." matigas na sabi nito sabay dukot ng wallet nito at inilagay sa table ang isang calling card."Be at my place tomorrow at 7am ayoko sa lahat iyong na li-late."Turan nito bago siya tinalikuran at lumabas ng coffee shop. Her jaw is in the floor dahil sa sinabi nito.Juice-colored hindi pa nga siya nakakabayad sa utang ng kanyang papa ito naman at nadagdagan pa.Parang gusto na niyang magpatiwakal.Ayaw na niyang mabuhay pa.!