Dedicated to JoyGumotadThank you so much miss joy sa pag share ng stories ko sobrang na appreciate ko po kahit napakasempleng bagay lamang niyan,napakalaking karangalan na po iyan para sa writer na katulad ko at dahil po diyan i'll always put ur name in every chapter I update...thank you..
MONTILLANO MANSION
THEO
"Where is she?! Malakas ang tinig na tanong niya.Habang pumapanaog siya sa hagdan sa hagdan habang isinusuot niya ang kanyang white v-neck shirt.Kasunod naman niya si Althea na pilit hinahawakan ang kanyang braso pero panay naman ang tabig niya sa kamay nito.
Hindi siya makapaniwala ng magising ngayong umaga,siya walang kahit na anong suot sa katawan at ang nakakagimbal pa ay katabi niya si Althea na wala ring ano mang suot.
At ngayon nawawala si Megan ,ayaw man niyang isipin na kaya ito umalis ay nakita sila ni Megan.Natakot siya sa isipin iyon malakas ang kabog ng kaniyang dibdib at sigurado siya sa kanyang sarili na pag hindi niya nakita si Megan mababaliw siya.
"Wala na si Megan Theo..wala na ang nga gamit niya sa kanyang kwarto.."nag-aalalang wika ni arrabella sa anak.
Nasapo niya ang kanyang ulo gamit ang dalawa niyang kamay.
"Wag mo na siyang hanapin pa Theo she is not the right girl for you.."sabat ni Althea.
Inis na tiningnan niya ito bago mabilis siyang lumapit at dinaklot ang magkabila nitong braso.
"Wala kang karapatang sabihin yan!Plinano mo ang lahat ng ito!sinadya mong lasingin ako kagabi para magawa ang plano mo!"nanggagalaiting sigaw niya kay Althea.
"Pareho tayong nalasing kagabi at wala na tayong alam sa mga naganap,Theo gumising ka sa katotohanan hindi si Megan ang babae para sayo.Alam mo ba ang tunay na dahilan kung bakit siya umalis huh?"
Kumunot ang kanyang ulo sa sinabi nito habang ang kanyang mga mata ay nagtatanong habang nakatingin dito.
"Anong ibig mong sabihin?!
Mapakla itong ngumiti bago nagsalita."Sinubukan kong alukin siya ng pera para malaman ko kung talagang mahal ka niya, limang milyong piso.Pambayad sa lahat ng pagkakautang ng pamilya niya,I'll already checked her background at nalaman kung baon sa utang ang pamilya niya.Tinanggap niya ang pera Theo kaya siya umalis hindi ka niya totoong mahal!"sigaw nito sa kanya.
Lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso nito,Parang sumabog na bomba sa harap niya ang mga sinabi ni Althea.Bahagya siyang napaatras habang manghang nakatingin dito.
Bago lumipat ang tingin niya sa kanyang ina na sapo ng palad ang bibig na tila ba hindi rin ito makapaniwala sa mga sinabi ni Althea.
"Hindi totoo yan.."wika niya na parang siya lang yata ang nakarinig.
"Totoo Theo,wag kang maging tanga.."
"No!"Sigaw niya bago niya naikulong ang kanyang mukha sa kanyang dalawang palad.Kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha.
"Tumigil kana Althea!" Galit na bulyaw ni Arrabella dito.Bago ito lumapit kay Theo.
"Anak,hanapin mo si Megan alamin mo ang totoo mula sa kanya.."wika ng kanyang ina na hinawakan siya sa kanyang bisig.
"No!She's a liar!manloloko!I hate her!" Galit na wika niya bago niya tinabig ang kamay ng kaniyang mama at mabilis na tumalikod at walang lingon likod na lumabas ng bahay.
Galit namang bumaling si Arrabella kay Althea.
"Nakita muna ang nangyari sa kasinungalingan mo!"
"Hindi ako nag sisinungaling totoo ang sinasabi ko.."nakangising wika nito.
"Ayoko nang makita yang pagmumukha mo!"galit na wika ni Arrabella bago nito tinalikuran ang babae.
Nang makatalikod Arrabella kay Althea isang matagumpay na ngiti ang gumuhit sa mga labi nito.
Megan
Malakas na buhos ng ulan ang bumabasa ang natatanaw niya mula sa labas ng mumurahing hotel na tinutuluyan niya dito sa Cebu,kasabay ng walang tigil paring pagpatak ng kaniyang luha.
Hindi parin niya maialis sa kanyang isip ang nadatnang tagpo sa loob ng silid ni Theo.At pagmamahal na sinabi nito sa kanya noo na pawang puro kasinungalingan lamang pala.
Masakit isipin na ang taong pinag alayan mo ng lahat ang taong minahal munang sobra ay gagawin kang tanga at pagtataksilan.
Muli siyang napahagulhol ng iyak,hindi niya alam kung kilan mauubos ang kaniyang luha.Kung kilan hihilom ang sugat sa kanyang puso.
Pero kilangan niyang bumangon at magpakatatag,buong araw at gabi siyang iiyak ngayon pero bukas sisiguruhin niyang wala ng luhang papatak sa kanyang mga mata.
Muli niyang ibinalik ang tingin sa labas ng bintana,bukas na bukas din hahanapin niya ang kaniyang papa at sana makita niya ito.Aayusin nila ang kanilang buhay at kakalimutan niya si Theo.
Muli naramdaman niya ang lungkot at panglaw,kahit saan siya tumingin mukha ni Theo ang nakikita niya paano ba niya makakalimutan ang isang katulad nito?
Paano ba siya babangon at magsisimulang muli kung palagi niya itong maalala?Naikulong niya ang kanyang mukha sa dalawa niyang palad kasabay ng muling paghaguhol.
Bahala na bukas ,bahala na kung anong mangyayari sa kanya at sana pagdating ng panahon tuluyan na niyang makalimutan si Theo.
BINABASA MO ANG
He Love's Me He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]
RomanceTago,takbo walang permanenteng tirahan kung baga ang bansag niya sa kanyang sarili ay.NPA meaning NO Permanent Address.Yan ang buhay ni Megan dela Paz, dati buhay prinsesa siya pero ng malulung sa sugal ang kanyang papa nasi Miguel nabaon sila sa ut...