Chapter Fifty seven

1.7K 84 13
                                    


                 "The walls we build around us to keep sadness out also keep out the joy."

By the way before I start this chapter,I just want to say thank you for all my readers that still waiting for my updates even though it's really takes time for me to post a new chapter. And for all my new followers thank you so much. Hindi man po ako laging active dito sa wattpad at nakakareply sa lahat ng mga message nyo pero naappreciate ko pong lahat ang support nyo. At Gusto ko lang Ishare this heart melting messaged from one of you.

@HadassaMayJorolan: Hi Miss Author,Kumusta po kayo Nagtataka po talaga ako kung bakit dina po kayo nakakapag update ng mga stories nyo dito.Pwede kp po bang malaman ang insta account nyo?Matagal na po akong naghihintay ng update nyo,kaya po hindi ko binubura mga  stories nyo sa library ko..Gusto pong maging updated sa mga sinusulat nyo..Sana po bumalik na kayo dito..Please give me your Insta account po para mafollow ko po kayo.

I'm your no.1 fan..and I'm just a silent reader here but ,I cant stop myself write this message for you to know that you have alot of followers waiting for your update and write more inspiring stories for us..Hope you can make it..we will wait for you Miss Author..And we miss you a lot...lovelots...

Thank you so much for this sweet message super sweet@HadassaMayJorolanat ,At yung mga readers na mahilig mag comment thank you@chridad08@AileenDelaCruz at meron pa akong hinahanap na isang reader na pingakuan kong emention sa new update ko but, I cannot see our convo,I tried to found it but, i cannot see you. If ever you will read this chapter please leave a comment or message me in private,sorry talaga hindi kita mahanap.Anyways thank you po sa inyong lahat love love.Ito na guys simulan ko na sorry sa patalastas.



"The walls we build around us to keep sadness out also keep out the joy."


***********

Habang patungo sa hacienda nakikipag-tao parin siya sa kanyang atsarili if tama bang mag-stay pa siya dito. Pakiramdam niya isusubo naman niya ang sarili at natatakot siyang muli na namang magmali.  Tiningnan niya si  Theo mula sa rear view mirror  nasa driver side siya nakaupo,habang ito at si Sr. Alfredo  ay sa passenger  sit nakapwesto. Nag kuwkentuhan ang dalawa ng nakakatawang bagay kaya naman hindi maitago ang pagngiti ni Theo. Marahil naramdaman nito na pinagmamasdan niya ito,kaya naman dumako ang mga mata  nito rear view mirror pero bago pa magtagpo ang kanilang mga mata mabilis na niyang naibaling sa labas ng binata ang kanyang paningin.


Natanaw niya ang malawak na lupain ang luntiang tubo ng tabo sa lupa na halos masa-masa pa dahil sa ulan ng nagdaang gabi. Hindi nga maitatatwa ang lawak ng lupain ng matanda at sigurado siyang matutuwa si Malou pag nabilin niya ito. 


"Malapit na po tayo..'' wika ng driver ng truck na sinasakyan nila. Napalingon siya dito,Hindi naman ito ganun katanda pero tiyak niyang nasa humigit-kumulang 50 years old na ito.Nilingon siya nito at ngumiti, ibinalik naman niya ang ngiti ng matanda,Hanggang tumigil ang truck na sinasakyan nila. Bumaba siya ng sasakyan at tumambad sa paningin niya ang isang napakalawak na kalamsian na noon ay hitik sa bunga. May mangilan-ngilang taong naroroon na namimitas ng bunga, na agad namang nabaling sa kanila ang pansin.

"Magandang Umaga,Sr..'' bati ng isang lalake na tinangal ang sombrerong buli na suot nito at nag-bigay galang sa matanda."At sa inyo rin..''dugtong nito na tumingin sa kanila ni Theo.


Hanggang ang ilan sa mga tao sa kalamansian ay kanya-kanya naring bati sa kanila.

Malugod naman nilang ibinalik ang pagbati ng mga ito.

He Love's Me  He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon