Chapter thirty eigth

6.1K 269 34
                                    

This chapter is di-dicated to miss lori16❤❤😘 thank you po..


Theo

"Good morning sir..."bati ng isang empleyado sa kanya.Patungo na siya sa kanyang private office at kaninang kanina pang naghahanap ng kape ang kanyang lalamunan.

Pagpasok niya sa loob ng kanyang office tinawagan niya agad sa intercom si Lilia ang kanyang coffee maker na tagatimpla ng kape niya everytime na naisin niya.Yes,he was a coffee addict at bukod kay Lilia may  sadya siyang secretary si Mitchie.

"Lilia  make me a coffee please.."wika niya sa intercom.Pero walang tugon.Kaya muli niyang inulit ang sinabi.

"Lilia make me a coffee..."ngunit wala paring tugon.Kaya naman napilitan siyang tunguhin ang pwesto nito.Katulad ng kanyang private secretary may maliit na room si Lilia na pinto lang ang nakapagitan sa office niya at sa room nito.

Pinihit niya ang doorknob at itinulak iyon pabukas.Nabungaran niyang nakatalikod ito sa gawi niya abala sa pagtitimpla ng kanyang hinihinging kape at ang nakakatawa pa panay ang kembot nito na animo may rock music na sinasabayan.Pero gumuhit ang gatla sa kanyang noo dahil bakit hindi ito tumutugon sa kanya kanina at lalo pang nagpakunot sa kanyang noo ay parang payat yata ito ngayon at ang buhok mas mahaba kesa kahapon ng huli silang magkita.Mukhang hindi namamalayan ng babae na pinagmamasdan niya ito mula sa likuran.

Isinadal niya ang kanyang likod sa pader at pinagmasdan ang bawat kilos nito at ang bawat indayog ng balakang nito.Hindi niya alam kung bakit pamilyar sa kanya ang nakatalikod na babae ,alam niyang hindi ito si Lilia at mukhang kilala na niya kung sino ito.

"Anong ginagawa mo dito?"biglang tanong niya.

"Ay pitumpo't pitong puting kabayong tumakbo!!!"gulat na bulalas nito sabay na mabilis na humarap sa kanya.

Namimilog ang mata nito sa pagkakatingin sa kanya at ang isang kamay ay nakasapo sa tapat ng dibdib nito.

"Theo!este sir Theo,kanina kapa dyan?"

"Umhuh...sagutin mo ang tanong ko,anong ginagawa mo dito?nasaan si Lilia?"

"Kung kanina kapa dyan nakita mong sumasa---"

"Yes,kita kung panay ang kembot mo.."putol niya sa sasabihin nito.Namula naman agad ang pisngi nito sa sinabi niya.At gusto niyang mapangiti dahil lalo itong gumaganda sa tuwing magba-blush.Pero pinigil niya ang sarili galit siya sa babae at iyon ang gusto niyang mangibabaw sa kanya.

"Nasaan si Lilia?"seryosong tanong niya.

Ibubuka na sana nito ang bibig ng may magsalita mula sa kanyang likuran.

"Siya na ang bagong coffee maker mo Theo..."

Mabilis niyang nilingon ang nagsalita na walang iba kundi ang kanyang mama.Lalo namang lumalim ang gatla sa kanyang noo at maging ang kanyang kilay ay hindi niya napigilang magsalubong.

"What do you mean mom?"naguguluhang tanong niya.

"Pinagbakasyon ko muna si Lilia..."maikling turan nito.

"What?!pinagbakasyon nyo siya ng hindi nyo sinasabi sakin..i'm her boss mom.."nanggagalaiting wika niya.

"But i'm your mother Theo,si Megan muna ang pansamantalang coffee maker mo habang wala pa si Lilia..."

"But mom..."

"Wag ka ng kumuntra...mas masarap magtimpla ng kape si Megan kesa kay Lilia.."

"Pero sabi mo dati the best mag timpla ng kape si Lilia.."nakataas ang kilay na sabi niya.

"Ha?nasabi ko ba yun?siguro noon pero ngayon mas masarap gumawa ng kape si Megan,kaya wag ka ng kumuntra.."wika ng kanyang mama na makahulugang tinapunan ng tingin si Megan na nasa kanyang likuran.

Parang may naaamoy siyang hindi maganda,nararamdaman niyang may nilulutong kakaiba ang kanyang mama.Nilingon niya si Megan saka niya ito pinukol ng isang masamang tingin.Pero salip na kakitaan niya ito ng takot isang matamis na ngiti pa ang iginanti nito sa kanya.Kaya naman lalo siyang nakaramdam ng inis.

Alam niyang pakana ito ng kanyang mama para paglapitin sila ni Megan,pero sisiguruhin niyang si Megan ang susuko.

Megan

Hindi na niya kayang pigilin ang pagbagsak ng talukap ng kanyang mata,antok na antok na siya at hanggang ngayon nandito parin sila ni Theo sa opisina nito.Sinulyapan niya ang oras sa kanyang wristwatch 12:am na ng madaling araw.Gusto na niyang buhusan ng kape si Theo dahil maya't maya na siya nitong pinagtimpla ng kape wala pang isang oras na nadadala niya ang kapeng pinatimpla nito hihingi nanaman ng kasunod.Nagtataka na siya kung talagang iniinom nito ang kapeng ginagawa niya.

At dahil nga antok na antok na hindi na niya napigilang ipikit ang kanyang mga mata,namaluktot narin siya sa couch dahil kanina pa siya nilalamig.Hanggang tuluyan na nga siyang nakatulog.

Napabalikwas siya ng bangon ng muling tumunog ang intercom.

"Come here.."tinig ni Theo mula sa intercom.

"Coffee?"tugon niya.

"No,just come here..."

"Okey."

Inayos muna niya ang sarili bago niya tinungo ang pinto at lumabas.Nadatnan niyang nakasandal si Theo sa likod ng sweevelchair nito habang nakatingin sa gawi niya,mukha talagang inaabangan siya nito.

Medyo nakaramdam siya ng ilang dahil kakaiba ang mga tinging ipinupukol nito sa kanya pero pinanatili niyang kunwari ay normal ang lahat.

Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi habang palapit dito,kahit ang kanyang dibdib ay malakas na malakas ang tahip.Tumigil siya sa tapat ng table nito.

"Ano pong kailangan nyo sir?"

"Why?"

Napakunot ang noo niya sa tanong nitong iyon.

"Ha?"nagtatanong na anas niya.

"Bakit ka pumayag sa gusto ng mama ko?"

"Ah yun ba kasi kilangan ko ng trabaho..."mabilis na sagot niya.Pero kahit ang totoo ang gusto niyang isagot ay dahil gusto niyang mapalapit dito at mabawi ito kay Althea.At ewan niya kung totoo ang sakit na dumaan sa mga mata nito sa sagot niya.

"Bakit ka umalis at bakit kilangan mo pang bumalik?"tanong muli nito.

Isang malalim na buntong hininga ang pinawalan niya.Ito na ang tamang oras para sabihin niya kay Theo ang totoo matigil na ang kasinungalingan ni Althea.

"Dahil-"

Naputol ang dapat niyang sasabihin ng biglang tumunog ang cellphone nito.Na agad naman nitong sinagot kaya naman ang dapat niyang sasabihin nakulong nalang sa kanyang lalamunan.

Dahil mahal kita.

"Yes,babe..."sagot ni Theo sa kabilang linya.At ouch alam na niya kung sinong tumawag."Okay,give me 30minutes...bye."ibinaba na ni Theo ang cellphone nito saka bumaling sa kanya.

"I need to go home..."wika nito sa kanya saka tumayo na.

"Hindi mo pa naririnig ang sagot ko sa tanong mo?"

"No need to answer alam ko na naman ang dahilan.."

"Alam agad?hindi mo pa nga naririnig ang sagot ko alam mo na agad..?"

"Yeah,ayoko narin namang marinig ang kasinungalingan mo,at hindi ka pa ba nakuntento sa perang binigay sayo ni Althea?kulang pa ba?kaya kaba bumalik para kumuha ulit ng pera mula sa akin?"sarkastikong tanong nito sa kanya.Saka walang lingon likod na naglakad patungo sa pinto at binuksan iyon at tuluyan ng lumabas at kulang nalang ibalibag nito ang pinto pasara.

Napaawang nalang ang kanyang bibig sa mga sinabi nito.At ang masakit pa hindi siya nito binigyan ng pagkakataong magsalita.Para sabihing mali ang tingin nito sa kanya na hindi totoo ang mga sinabi dito ni Althea.At pag nagkaroon siya ng pagkakataong sabihin dito ang lahat siya naman ang unang mag wa-walk out.

Nakakainis ka talaga Theo!nabilog na talaga ni Althea ang ulo mo.Pero hindi ako susuko ipaparamdam ko sayo na mali ka sa pagkakakilala sakin.








He Love's Me  He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon