Chapter Twenty six

5.2K 273 13
                                    


Ayaw sana kitang mawala
Pero kung ikaw naman ang unang bibitaw
Wala na akong magagawa


                                           _albenia26









Megan


"I'm glad you're both okey..." masayag wika sa kanya ng mommy ni Theo,habang marahan nitong hinahagod ang kaniyang likuran.


Hindi siya tumugon sa sinabi ng ginang kaya naman tumahimik narin ito.


Nakasakay na sila sa kotse at hangang ngayon nakalutang parin ang isip niya sa mga kaganapan.Naramdaman niya ang muling pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata,nakapako ang isip niya sa nasaksihang eksena kanina.

Si Theo na yakap si Althea at ang babaeng iyon na kamukhang kamukha niya.Marahil sa height lamang sila nagkaiba dahil di hamak na mas matangkad ito sa kesa kanya.

Hanggang makarating sila sa mansion at lumipas pa ang halos limang oras,hindi pa muli silang nagkikita at nagkakausap ni Theo,dahil halos hindi na umalis sa tabi nito si Althea na akalo linta kung makadikit.


Pero ang hindi niya maunawaa ay kung bakit maging si Theo ay wala yatang balak siyang kausapin,ipaliwanag sa kanya ang lahat.

At ngayon nga wala parin siyang tigil sa pag-iyak habang nakatalungko ng upo sa ibawbaw nag kaniyang kama.At dahil nga sa kakaiyak hindi narin niya namalayan na bumukas na pala ang pinto ng kaniyang silid at pumasok si Arrabella na may bitbit na cup.

Naamoy niya ang aroma ng tsokolate mula sa usok na lumalabas sa cup kaya nahinuha niyang hot chocolate ang laman niyon.


Ipinatong ng babae ang cup sa ibabaw ng side table bago ito umupo sa gilid ng kama at humarap sa kanya.

"Binalaan ko na si Theo noon pa,pero hindi siya nakinig,at alam kong sa pagtigil nyo sa isla may unawaan na kayong dalawa..."


Tumunghay siya at luhaan ang mukhang tumingin dito.Nakapako naman ang tingin nito sa singsing na ginawa ni Theo na nakasuot sa kanyang diliri.Bago lumipat ang tingin nito sa kanyang mukha.


Kita naman niya ang lungkot sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.


"Inalok niya ako ng kasal noong nasa Isla kami..."simula niya habang walang patid ang pag luha.

"Sabi niya mahal niya ako,pero mukhang nabubulagan lamang siya sa kanyang nakikita.."aniya na pagak na tumawa kasabay nag pagpahid niya sa kanyang luha.


"Siya ba ang mommy ni Kevin?"

"Oo ija.."sagot ng ginang na lalo niyang ikinahikbi.

Ngayon niya nakumpirma na hindi talaga siya minahal ni Theo,dahil si Althea ang nakikita nito sa kanya at hindi bilang siya,bilang si Megan.

Naramdaman niya ang pagpatong ng kamay ng ginang sa kanyang balikat,at doon hindi na niya napigil ang sariling yakapin ito.Kailangan niya ng balikat na maiiyakan at nandito ang mommy ni Kevin kaya sa balikat nito siya iiyak ng iiyak.

Alam niyang walang kasalang matutuloy sa pagitan nila ni Theo dahil nagbalik na ang babaeng pinakakamamahal nito.Umiyak siya ng umiyak sa balikat ng ginang,masakit isipin na walang happy ending ang kanyang lovelife.

Pero hindi naman siya nag sisisi na ipinagkaloob niya dito ang kaniyang sarili dahil si THEO ang kauna-unahang lalaking minahal niya ng buong puso.


"Kakausapin ko si Theo Megan,alam kung sa ngayon naguguluhan pa siya sa mga nangyayari at hindi rin ako makakuha ng pagkakataon na kausapin siya dahil sa tuwina'y nasa tabi niya si Althea.And that girl ayoko sa kanya para sa anak ko nararamdaman kong hindi mabuti ang intensyon niya sa kanyang pagbabalik..."mahabang wika ng ginang habang hinahagod nito ang kaniyang likod.


Hindi na kailangan gawin pa nito iyon dahil alam naman niya kung sinong pipiliin ni Theo.At nakapag disisyon narin siya gagawin niya ang tama na matagal na dapat niyang ginawa.


"Megan wala ba kayong koneksyon ni Althea dahil halos magkamukhang magkamukha kayo,siguro sa edad lang kayo nagka-iba..?"curious na tanong ng ginang sa kanya.Na kumalas mula sa kanyang pagkakayakap at mataman siyang tinitigan.


Umiling siya bilang tugon,hindi niya kilala si Althea at wala siyang balak kilalanin pa ito.


"Talaga pong may mga taong magkakamukha at sa punto namin ni Althea hindi sinasadyang nagkatulad kami na sana hindi nangyari.."mapait niyang turan.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng ginang bago malungkot na ngumiti sa kanya.



"Inumin mo itong tsokolate na tinimpla ko para sayo Meg,at ito tandaan mo i'm on your side...hindi ako pabor sa pagbabalik ni Althea at sana hintayin mong luminaw ang isip ng aking anak..."wika ng ginang na tumayo na mula sa pagkakaupo.

Tumango lamang siya bilang tugon.


"Magiging maayos rin ang lahat Megan..."huling katagang winika ng ginang bago ito tuluyang lumabas ng kanyang silid.Mga salitang nais sana niyang paniwalaan  pero napakahirap gawin.


Hindi na niya hahayaang mahirapan pa si Theo sa pag iisip kung sino pipiliin nito sa kanila ni Althea,may kalahati ng puso niya ang masaya para  kay Kevin dahil mabubuo na muli ang pamilya nito at ang kalati naman ay durog dahil nalalapit na ang paghihiwalay nila ni Theo.



Humiga siya sa kama at namaluktot,kilangan niyang ihanda ang kanyang sarili sa mga mangyayari.Kahit masakit tatanggapin niya.








______________









Keep voting please,comment and share is really appreciated..the next chapter will be updated at any moment...thank you guys..muwaaaaah😘 lovelotz




He Love's Me  He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon