Theo
Marahan niyang inihiga si Megan sa malambot na kama,hindi niya alam kung saan ito tumutuloy kaya't sa kanyang condominium ito dinala.
Dama parin niya ang init ng katawan nito na animo nilalagnat.Naikuyom niya ang kanyang kamao sa nararamdamang galit.Nilagyan ng lalaking iyon ng aphrodisiac ang inumin ni Megan kaya ito nagkaganito.
Paano kung hindi siya dumating,lalo niyang naikuyom ang kanyang kamao sa naisip na maaring mangyari kasabay ng isang malalim na buntong hininga.Ano ba kasing naisip ng babaeng ito at nagtungo sa lugar na'yon.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama at nagtungo sa kusina.Kumuha siya ng malamig na tubig at bimbo saka siya bumalik kay Megan.
Piniga niya ang bimbo sa malamig na tubig saka niya maingat na ipinunas sa mukha ni Megan pababa sa leeg nito.Mahinang ungol ang kumawala sa lalamunan nito na nagdulot ng ibang init sa kanyang katawan.
Nakaawang ang labi nito na tila ba nag-aanyaya ng isang halik.Dumako ang tingin niya sa dibdib nito pababa sa flat nitong tiyan at pababa pa sa dako roon.At hindi niya napigilang mapalunok sa pinipigil na sensasyong gustong kumawala sa kanyang katawan.
Aaminin niya sa kanyang sarili na sobra siyang nanabik sa babae.Pero sa tuwing maiisip niyang ipinagpalit siya nito sa pera nanunumbalik ang galit niya para dito.
At ngayon muli nanaman itong nagbalik,para ano?para makakuha ulit ng malaking pera sa kanya o kay Althea.Nag-isang guhit ang kanyang labi saka niya itinigil ang ginagawa.
Kanina ng makita niya ito ,gusto niya itong yakapin ng mahigpit sabihin dito kung gaano niya ito namiss,pero pinipigilan siya ng galit para dito.Kaya naman ng dumating si Althea agad niya itong hinalikan sa harap ni Megan upang ipakita sa babaeng si Althea ang mahal niya at hindi ito.
At habang ginagawa niya ang pananakit sa babaeng mahal niya,siya naman ang parang nadudurog ang puso.Siya ang nasasaktan kaya naman malaking palaisipan sa kanya kung bakit nagbalik pa ito.Kung bakit nagpakita na naman ito sa kanya.
Isang matalim na sulyap ang ipinukol niya sa natutulog na babae bago siya tumalikod at tuluyan ng lumabas ng silid.
Meg
Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata.Medyo malabo pa ang kanyang paningin kaya naman marahan niya iyong kinusot.Hanggang tuluyang luminaw ang kanyang paningin.Marahan din siyang bumangon at umupo.
Hanggang sa tumambad sa kanya ang hindi pamilyar sa silid.Pure white painted color ang dingding niyon walang gasinong gamit sa loob ang naroroon lamang ay ang king size bed na hinihigaan niya at ang isang dalawang maliit na side talbe sa magkabilang gilid ng kama.
Kulay gray na kurtina na nasa malaking bintana.Nakita rin ang dalawang pinto na ang hinuha niya ang pinto ng banyo ang isa at sa walk in closet naman ang isa.Alam niyang pag-aari ng lalake ang silid na kinaroroonan niya base narin sa ayos ng silid.
Napakunot ang kanyang noo upang pilit alalahanin ang nangyari ng nagdaang gabi.Kasabay ng pamimilog ng kanyang mga mata ng maalala ang lalaking nakilala niya kagabi.Mabilis niyang tiningnan ang sarili at pinakiramdaman.
Nakahinga naman siya ng maluwag ng walang ano mang palantandaan sa kanyang katawan na may nangyari sa kanyang masama.Maging suot niyang damit hindi nabago.
Bumaba siya ng kama hindi niya makita ang kanyang sandals kaya naman nakaapak siyang naglakad patungo sa pinto.Kasabay ng malakas na tibok ng kanyang dibdib.
Paano kung iyong lalaking nakilala niya kagabi ang may-ari ng lugar na kinaroroonan niya?Nanginginig ang kamay na hinawakan niya ang seradura at pinihit iyon pabukas.
BINABASA MO ANG
He Love's Me He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]
RomanceTago,takbo walang permanenteng tirahan kung baga ang bansag niya sa kanyang sarili ay.NPA meaning NO Permanent Address.Yan ang buhay ni Megan dela Paz, dati buhay prinsesa siya pero ng malulung sa sugal ang kanyang papa nasi Miguel nabaon sila sa ut...