How do we rewrite the star?
Megan
Naalimpungatan siya sa pakiramdam na may mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang bewang, marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at marahang nilingon ang nilalang sa kanyang tabi at pinagmasdan ang mabini nitong paghinga. Parang may sariling buhay ang kaniyang palad na hinaplos ang makinis nitong mukha. Napakaamo at napakagwapo ng mukha nito na kahit kailan ay hindi niya pag-sasawaang pagmasdan. Isang malalim na buntong hininga ang kaniyang pikawalan gusto niyang batungan ang kaniyang sarili dahil sa pangalawang pagkakataon nag pakatanga na naman siya at isinuko ang sarili dito. Pero ano bang magagawa nya sa tawag ng kaniyang puso dahil kahit anong pigil ang kaniyang gawin at isiksik sa isip na galit siya dito pero nangingibabaw parin ang kaniyang pagmamahal sa lalaking ito na dapat sana niyang kamunghian,muli isang malalim na buntong hininga ang kaniyang pinakawalan bago marahan niyang inalis ang braso nitong nakayakap sa kanyang bewang.
Marahan niyang nilisan ang kama at pinulot ang kaniyang mga saplot na nagkalat sa sahig ,Isa-isa niya iyong isinuot at inayos ang sarili. Isang mabilis na sulyap ang iginawad niya kay Theo bago niya nilisan ang silid nito. Pagkalabas ng kwarto natanaw niya si aling Cita na may dalang isang basong tubig na hustong papasok sa loob ng silid ni Sr. Alfredo.
" Manang Cita.." tawag niya dito. Agad naman siya nitong tinapunan ng tingin at humakbang patungo sa kinaroroonan niya.
" Gising na ang Sr. at ikaw agad ang una niyang hinanap.." wika nito.
Biglang kumibot ang kaniyang puso at samot-saring emosyon ang kaniyang naramdaman."Sige po,para po ba sa kaniya ang tubig na inyong dala..? tanong niya." Oo Ija..''tugon naman nito.
"Sige po ako na ang mag-aabot nito sa kaniya.." wika niya na kinuha dito ang baso. Nagugulumihanan namang nakatingin sa kanya ang matanda. Pero hindi na siya muli pang nagsalita at naglakad patungo sa silid ng matanda. Mahina siyang kumatok bago itinulak pa bukas ang pinto. Pagpasok sa loob nakita niya ang Sr. na nakaupo sa kama habang nakasandal ang likod nito sa headboard habang hawak nito dalawang larawan.Marahan itong itinunghay ang ulo at tumingin sa kanya at hindi maitatago ang kalungkutang nakabadha sa mukha ng matanda.
" Masaya ako at nagising na kato Sr.." wika niya na ipinatong sa side table ang tubig na dala. Hindi ito tumugon bagkus tinapik nito ang gilid ng kama na nagsasabing maupo siya, agad naman siyang tumalima at umupo sa gilid ng kama katabi nito.Tumutok ang kaniyang mga mata sa hawak nitong mga larawan na walang iba kundi ang larawan na nakita niya sa basement.
" Alam ko malaki ang aking naging kasalanan dahil sa ginawa ko noon dahil sa galit at selos.."panimula nito. Hindi siya tumugon at hinayaan lamang itong mag salita.
" Nang malaman kong nag dadalang-tao ang aking asawa sa anak ni Lucas sobrang pagkamunghi ang aking naramdaman para kay Lucas at sa batang nasa sinapupunan ni Lenneth,kaya ipinangako ko sa aking sarili na oras na iluwal ni Lenneth ang bata ay ilalayo ko ito sa kanila na kahit kilan hindi sila magkakaroon ng pagkakataon na masilayan ang paslit.Kaya naman ng ipanganak ni Lenneth ang sangol ipinadala ko ito sa manila sa bahay ampunan." wika nito na isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan.
Hindi siya tumugon at hinintay na muli itong magsalita." Hindi totoo ang bulungbulungan noon na inilibing ko ng buhay ang sangol dahil kahit sobrang galit ang aking nararamdaman hindi ko kayang pumatay higit lalo sa walang kamuwang-muwang na sanggol,kaya bilang ganti inilayo ko ito sa aking asawa at kay Lucas.''
BINABASA MO ANG
He Love's Me He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]
RomanceTago,takbo walang permanenteng tirahan kung baga ang bansag niya sa kanyang sarili ay.NPA meaning NO Permanent Address.Yan ang buhay ni Megan dela Paz, dati buhay prinsesa siya pero ng malulung sa sugal ang kanyang papa nasi Miguel nabaon sila sa ut...