Naluluhang napatingin siya kay Theo." Wala bang discount..?tanung niya
Nakangising umiling ito bilang tugon.At gusto niyang manlumo dahil doon.Kahit saan nalang siya pumunta nagkakautang siya.
At ang lalaking ito napakaswapang sa pera.Tingin naman niyang kakarampot na halaga lang para dito ang utang niya so bakit kilangan pa siya nitong singilin.
"30% sa sahod mo ikakaltas ko ang utang mo sakin..Hangang makabayad ka.."nakangising turan nito.
Naitikom niya ang kamao gusto na niyang upakan ito ng suntok sa mukha.Pero pinigil niya ang sariling gawin iyon dahil sigurado siyang pag na blackeye-an niya ito'y dadag dag nanaman sa utang niya.
"Okay po sir walang problema..."
"Good so your work start to day..."
Nasiyahan naman siya sa sinabi nito simula na ng trabaho niya ngayon so ibig sabihin hindi na niya kailangan humanap nang lugar na pwedeng tulugan ngayong gabi.
"Thank you sir.."nakangiting turan niya.
Salip na sumagot tumayo na ito.Tumayo rin naman siya.At nagulat siya nang ilahad nito ang palad.
"Congrats.."anito nakalahad ang palad sa harap niya.
Dumako naman ang mata niya sa palad nito pabalik sa mukha nito at pabalik ulet sa palad nito.Nagaalangang itinaas niya ang kamay at tinanggap ang pakikipag kamay nito.At naglapat nga ang mga balat nila na nagbigay nang electrifying feeling sa kanyang katawan.Napakalambot nang palad nito at napakakinis.Namalayan nalang niyang hinihila na nito ang kamay napahigpit pala ang hawak niya doon.Nahihiyang binitiwan niya iyon.
"Sorry.."namumula ang pisnging turan niya.
Hindi ito tumugon at nakakatitig lamang sa mukha niya.Naaasiwa naman siya sa tingin nito kaya ibinaling niya sa iba ang tingin.
"Manang liza..!narinig niyang Tawag nito sa isang pangalan.Muli naman niyang ibinalik ang tingin dito at muli nagtama ang kanilang paningin.Ewan ba niya pero pakiramdam niya iba ang uri nang tingin nito sa kanya.Parang nakikita niya ang nakatagong lungkot sa mga mata nito.Pero baka nagkakamali lang siya paano naman malulungkot ang isang tulad nito na perpekto na ang pamumuhay.
"Sir bakit mo...?" Anang isang matandang babae na mataba at maliit na nagmamadaling lumapit sa kanila.
"Pakihatid siya sa magiging kwarto niya.Dun sa katabing kwarto ni Kevin para anytime na kailanganin siya nang anak ko madali niyang mapupuntahan.."
"Opo sir...halika na.."aya nang matanda sa kanya.
"Sige po sir Theo..."aniya na bahagyang yumukod tanda nang paggalang.
Tumango naman ito bilang tugon pero hindi na muling nagsalita.Sumunod naman siya sa matandang babae.Hangang umakyat sila sa hagdan.
"Ito ang magiging kwarto mo.."anang matanda nang makapasok sila sa loob nang isang kwarto.
Iginala niya ang paningin sa loob ng silid.Cream ang kulay nang wall at white naman ang ceiling.Hindi gaanong kalakihan ang kama.Na sana center nang silid sa magkakabila naman nito ay side table and lampshades on the top.Binalot ng lungkot ang kaniyang puso dahil naalala niya ang dating kwarto sa mansion nila noon sa Batangas.Hindi nalalayo sa ayos at hitsura ng kwartonh ito na magiging kwarto na niya ngayon.
"Okay kalang ba ha ne.."pukaw nang matanda sa kanya.
"Opo.."maikling sagot niya.
"Ah siya maiwan na muna kita..ilagay mo nalang ang mga damit mo diyan sa closet at dadalhin ko nalang ang magiging uniform mo.."
BINABASA MO ANG
He Love's Me He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]
RomanceTago,takbo walang permanenteng tirahan kung baga ang bansag niya sa kanyang sarili ay.NPA meaning NO Permanent Address.Yan ang buhay ni Megan dela Paz, dati buhay prinsesa siya pero ng malulung sa sugal ang kanyang papa nasi Miguel nabaon sila sa ut...