Chapter Twenty nine

6.2K 270 29
                                    



Megan


Nakalabas na siya ng subdivision pero wala paring tigil ang pagpatak ng kaniyang luha.Pinahid niya ang kanyang luha sa kanyang mga mata dahil nanlalabo na ang tingin niya sa paligid.

Maging ang kanyang mga tuhod ay nanginginig narin sa sama ng kanyang loob.Pero kilangan niyang maging matatag sa ngayon dahil sarili lamang niya ang aasahan niya.

Isang malalim na buntong hininga ang pinawalan niya bago niya ihinakbang ang kaniyang paa patawid ng kalye.

At dahil samo't sarig isipin ang naglalaro sa kanyang isip at idagdag pa ang nararamdaman niyang sama ng loob,hindi niya napansin ang pagdating ng isang itim na kotse.

Tumama sa mukha niya ang ilaw ng headlights ng kotse na bigla niyang ikinatakot.Pagkabigla at takot ang kanyang naramdaman kaya naman bago pa tumama sa kanyang katawan ang hood ng kotse mas nauna na siyang nawalan ng malay.



Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata,kasabay ng paggala ng kaniyang tingin sa loob ng silid na kinaroroonan niya.Habang tumatama sa kanyang mukha ang sinag ng araw na tumatagos sa manipis na kurtina ng malaking bintana.



Nakahiga siya ngayon sa isang queen size bed nasa centre ng silid.White wall at Brown ceiling ang kaniyang nakikita.At and tatlong wooden door na ang hinuha niya sa isa ay pinto ng silid at ang dalawa naman ay maalin sa pinto ng bathroom at walk-in closet.

Bumangon siya mula sa pagkakahiga at pinasadahan ng tingin ang kaniyang sarili.Kasabay ng panlalaki nang kaniyang mga mata.Hindi na ang suot niyang damit ang suot niya ngayon kundi isang ternong panjamas na kulay pula na may malaking drawing ni winnie the pooh.

Muli niyang iginala ang paningin sa kabuuan ng silid.Na alam niyang hindi lang ordinaryong silid maganda at mamahalin amg gamit na nasaloob nito maging ang malaking portrait na nakasabit sa wall ay alam niyang hindi biro ang halaga.

Dalampasigan ang nakadrawing doon na may babago palang na sisiskat na araw.Naisip niya ang kanyang sarili maihahalintulad niya ang kanyang sarili sa portrait na araw na naka-drawing doon.Yes, kilangan niya uling isilang ang kaniyang sarili sa panibagong araw ng kaniyang buhay.


Muli niyang ibinalik ang atensyon sa suot niyang damit at sa lugar na kinaroroonan niya,papano siya napunta dito?Saka katanungang iyon sa kanyang isip saka lamang bumalik sa alaala niya ang naganap ng nagdaang gabi.

Ang pagtataksil sa kanya ni Theo,ang pagkakita niya dito ta kay Althea sa silid nito na walang anumang saplot at ang pag-alis niya sa mansion.Namilog ang kaniyang mga mata sa sunod na naisip.

Ang muntik na niyang pagkabangga kagabi at ang pagkawala niya ng malay.Sinong nagdala sa kanya dito?

Nasagot ang huling katanungan sa kanyang isip ng bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang lalaking hindi niya inaasahang makita.


"I'm glad you're a wake...."bungad nito sa kanya.

Mangha namang nakatingin siya sa gwapo nitong mukha na nakapaskil sa labi ang isang magandang ngiti."Dexter?"wika niya sa pangalan nito.

Lalo namang lunapad ang ngiti nito bago naglakad palapit sa kamang kinauupuan niya at naupo sa gilid niyon at mataman siyang pinagmasdan.

"Masaya ako at nakabalik kana Megan,Nakaligtas kayo ni Theo and speaking of that jerk bakit ka niya hinayaang magpagala-gala sa kalye sa dis' oras ng gabi?" Nakataas ang kilay na tanong nito."At muntik na kitang mabangga,god I almost kill you.."desperadong saad nito.

"Ikaw ang driver ng kotse?"

"Yes,at mabuti nalang at ako,pano kung ibang tao tapos ganun na nga ang nangyari bigla kang hinimatay saan ka kaya pupulutin.."

"Baka sa imburnal na ako matagpuan.."biro niya.Natatawa siya sa reaksyon nito halatang halata ang pag-aalala sa mukha ta tinig.Hindi man sila totoong magkakilala ni Dexter pero ramdam niyang napakabuti nitong tao.And thank god dahil ito ang nakakita sa kanya.

"I don't like your joke...hmm,hindi mo pa nasasagot ang tanung ko nasan si Theo?bakit hinayaan ka niyang umalis ng mansion?

Umilap naman agad ang mga mata niya sa tanong nitong iyon.Kaya ba niyang sabihin dito ang lahat?

"Nagbalik na siya hindi ba?"tanong nito na nagbaling nang tingin niya muli dito.Alam niya kung sinong tinutukoy nitong nagbalik na at muli namang gumuhit ang sakit sa kanyang puso.

"Bakit hindi mo sinabi sakin ang tungkol kay Althea?"may hinanakit ang tinig na tanong niya dito.

Isang malalim na buntong hininga ang pinawalan nito bago tipid na ngumiti sa kanya.

"Dahil hindi ako ang may right para sabihin iyon sayo.Binalaan ko na Theo na layuan ka dahil alam kung darating ang araw na ito pero hindi siya nakinig..."malungkot na wika nito.

Naramdaman naman niya ang muling pagiinit ng kaniyang mga mata.Maiiyak na naman siya wala na ba talagang ubos ang kaniyang luha.

"I'm sorry Meg..."

"Wala kang kasalanan..."aniya na tuluyan nang napaiyak.

Kinabig naman siya nito at ikinulong sa mga bisig nito.Ginanti niya ang yakap nito kasabay ng pag iyak niya sa balikat ni Dexter.




______

"Sigurado ka bang kailangan mong lumayo?"tanong sa kanya ni Dexter habang nasa loob sila ng kotse nito.Humingi siya dito ng pabor na ihatid siya sa terminal.

"Oo,alam muna para hilumin ang sugatang puso..."aniya na hinaluan ng kunting biro ang tinig.

"Meg,kung sakaling muli kitang makita at hilom na ang sugat sa puso mo pakakasalan kita...kung papayag ka.."seryosong wika ni Dexter sa kanya.

Natawa naman siya sa sinabi nito,kung ano anong naglalaro sa isip nito."Hmm,sige papayag ako..."natatawang tugon niya na nilingon ito.

Isang masayang ngiti naman ang gumuhit sa labi nito."Sisiguraduhin kong ako ang unang makakakita sayo..."turan nito.

"Hmm,tingnan natin..."tugon niya na muling ibinalik ang tingin sa kalsada.



_______


Hey guys,check my fb status at dun nyo po malalaman kung kilan ako mag u-update..thank you..keep voting...please comment and share napakalaking bagay po niyan para sakin..salamat ng marami:)😁

He Love's Me  He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon