Chapter two

9.5K 338 18
                                    

First day ng kanyang bagong trabaho kaya naman ganadong ganado siya,kailangan niyang magpakitang gilas sa kanyang mabait na boss.Si letty na matagal nang balo pero may isang anak na babae na halos kasing edad din daw niya.Pero madalang pumunta ng coffee shop dahil busy sa trabaho nito. May pumasok dalawang estudyanteng babae at lalake.

Lumapit ang mga ito sa counter kung san siya nakaupo."Hi what your order ma'am ,sir?"  nakangiti niyang sabi.

"Hi bago ka?" tanung ng lalakeng estudyante sa kanya.Katabi naman nito ang babaeng student na nakamasid lang sa kanila.

"Yes sir what your order sir." muling tanung niya.

"Ahm two cups of Espreso." turan nito na palihim na kumindat sa kanya.Dahil sa costumer niya ito at bago lang siya sa trabaho nginitian nalang niya ang ginawa nito kahit alam niyang may ibig sabihin iyon.

Sus ko po batang ari kasama na ang girlfriend nalandi pa e sarap buhusan ng mainit na kape

"Okay sir,ma'am comming up,maupo nalang po muna kayo at e-se-serve ko nalang po."  nakangiti paring sabi niya kahit nangigil na siyang pokpukin sa ulo ang lalake dahil sa panay ang palihim nitong kindat sa kanya.Mahitsura naman ito at mukhang mayaman ganun din ang babaeng kasama nito na nakasimangot pagkapasok palang ng coffee shop.Sumunod naman ang dalawa sa sinabi niya at naghanap ng bakanteng table.


"Here's your espreso sir,ma'am." aniya na inilapag ang dalawang cup ng kape sa table ng dalawa."Enjoy your coffee."  dagdag niya.

"Thank you.'' anang estudyanteng babae na sa wakas ay nahanap ang dila.Nginitian niya ito bago siya tumalikod.

Bumalik siya sa counter at habang nag hihintay ng bagong costumer inabala niya ang sarili sa pag babasa ng librong nasa counter kung pano ang tamang pag titimpla ng masarap na kape.Nakayuko siya kaya hindi niya nakitang lumapit sa counter ang bagong costumer.

"One cup of macchaito."

Narinig niyang turan ng isang malamig at baritonong boses.Tumunghay siya para tingnan ito.And then Freeze the man standing in front of her is a totally handsome with the perfect eyes,nose,lips and beautiful shape of face wahhh talagang mapapabuga ka sa hangin.Idagdag pa ang angkin nitong katangkaran at perfect body.Nakasuot ito ng American style suit.Na lalong nagbigay Autoridad sa features nito.

"Stop studying my face miss!nandito ako para umorder ng kape at hindi para pakatitigan mo at pagaralan ang looks ko okay.So give me my order now."  command nito sa kanya.

oH gosh pati boses niya ang ganda bagay na bagay sa kanya

"Miss?! bulyw nito sa kanya.

Nagulat naman siya sa boses nito kaya bumalik sa kasalukuyan ang kanyang diwa.Kunot na kunot ang noong nakatingin ito sa kanya.Nginitian naman niya ito ang kaso tinaasan lamang siya ng kilay.

sungit

"What your order sir?"  nakangiti paring turan niya.

"See hindi mo naiintindihan ang sinabi ko dahil lumilipad yang isip mo. Where is you're manager at irereklamo ko yang kapabayaan mo sa iyong trabaho."  inis na turan nito sa kanya.

Nataranta naman siya sa sinabi nito at agad humingi ng pasensya."  sorry po sir di na po mauulet." aniya na nawala ang ngiti sa labi at napalitan ng pag aalala ang maganda niyang mukha.

" One cup of Macchaito ." turan nito sa malamig na boses bago tumalikod at umupo sa bakanteng table malapit sa counter.Nakasunod naman ang tingin niya dito na pagkaupo ay agad din sumulyap sa gawi niya.Nang makita nitong hindi pa siya kumikilos para gumawa ng kape nito,pinandilatan naman siya nito nang mata.

He Love's Me  He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon