Megan
"Here's your order ma'am....."nakangiting serve niya sa cappuccino ni Ginang Malou na suki na nila sa coffee shop na pinagtatrabahuhan niya.
Dalawang buwan na ng lisanin niya ang Cebu at mag-balik muli dito sa Manila.Nag-apply siya dito sa coffee shop na kasalukuyan niyang pinagtatrabahuhan ngayon.
Napakalaking advantage sa kanya ng trabahong ito dahil free accommodation,apartment,tubig at kuryente,pagkain nalang ang tanging poproblemahin niya.Mas nakakapagtabi siya sa perang sinasahod niya ngayon.
"Thank you Meg.."nakangiti namang tugon ng ginang na ibinaba ang tabloid na binabasa saka dinampot ang cup at sumimsim.
"Good taste talaga ang cappuccino mo Meg.."puri ng ginang nang matikman ang kape.
"Thank you Mrs.Malou...enjoy your coffee..."wika niya bago ito tinalikuran.
"May ikakasal na pala muling Montillano..."
Hindi pa siya hustong nakakalayo kay Mrs.Malou ng mahagip ng pandinig niya ang sinabi nito.Agad tumahip ang kanyang dibdib kabang hindi niya maipaliwanag.Unang pumasok sa isip niya si Theo.
Kaya naman para masiguro ang kanyang sapantaha pumihit siya humakbang muli pabalik kay Mrs.Malou
Hawak nito ang tabloid at abala sa pagbabasa."Excuse me Mrs.Malou..."
Ibinaba naman ng ginang ang tabloid at binigyan siya ng pansin."Ano yun Meg?"
"Narinig ko po ang sinabi ninyong may ikakasal na muling Montillano,pwede pong malaman kung sino?"
"Ah,si Theo Zhane Montillano ang CEO ng Montillano hotel.."
Kasabay ng pagkasabi niyon ng ginang bumagsak sa sahig ang hawak niyang tray.Na nagdulot ng malakas na ingay,dahilan para mapunta lahat sa kanya ang atensyon.
Pakiramdam niya ng mga sandaling yun tinira siya ng sibat na direktang tumama sa kanyang puso.Napasakit na pakiramdam niya mauutas na siya sa sakit.
Naramdaman din niya ang pagiinit ng kanyang mga mata na nagbabanta na ano mang sandali papatak ang kanyang mga luha.
Naguguluhan namang nakatingin sa kanya si Mrs.Malou, habang nagtatanong ang mga mata.Bago muli nitong ibinalik ang tingin sa binabasang tabloid na kitang-kita ang gumuhit na gatla sa noo bago muling ibinalik ang tingin sa kanya.
"Kamukha mo ang babaeng papakasalan ni Theo.."gulat na bulalas nito."Meg..!"tawag nito sa kanya.
Para namang may pumitik na hangin sa mukha niya na nagpabalik ng isip niya sa kasalukuyan.Mabilis niyang dinampot ang tray sa sahig at nagmamadaling naglakad patungo sa restroom.
Ini-lock niya ang pinto at humarap sa malaking salaming naroroon.At doon hindi na niya pinigil ang sariling maiyak.Itinuon niya ng kanyang mga kamay sa gilid ng lababo habang wala siyang tigil sa paghikbi.
Ikakasal na si Theo at Althea magiging masaya na ang mga ito.Sa loob ng dalawang buwang lumipas pinilit niyang alisin si Theo sa kanyang isipan,pero napakahirap gawin dahil patuloy itong nagsusumiksik sa kanyang puso't isipan.
Maya-maya pa'y nakarinig siya ng mahihinang katok mula sa labas ng pintuan ng restroom.Mabilis niyang pinahid ang kanyang luha at naghilamos.Siniguro niyang tuyong-tuyo na ang kanyang mukha bago siya lumapit sa pinto upang buksan iyon.
Bumungad naman sa harap niya ang malungkot na mukha si Mrs.Malou na bakas ang simpatya sa mukha para sa kanya.
"Pwede ba kitang makausap?"
"Tungkol po saan?"tanong niya kahit alam na niya kung anong nais nitong pag-usapan.
"Let's get out of here..."aya nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
He Love's Me He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]
RomanceTago,takbo walang permanenteng tirahan kung baga ang bansag niya sa kanyang sarili ay.NPA meaning NO Permanent Address.Yan ang buhay ni Megan dela Paz, dati buhay prinsesa siya pero ng malulung sa sugal ang kanyang papa nasi Miguel nabaon sila sa ut...