Megan
*Ring*Ring*Ring*
Time check 1:25 in the morning.
Nagising siya sa ring ng kanyang cellphone,kaya naman pupungas-pungas na dinampot niya iyon mula sa sidetable at hindi na nag-aksaya ng oras na tingnan pa kung sino ang tumatawag sa ganoong kaagang oras.
"Hello."paos ang tinig na sagot niya.
"Pack your things were leaving.."
Parang biglang nawala ang antok niya sa tinig ng kanyang caller at kasabay niyon ang mabilis na erotikong tibok ng kanyang puso.
"Whe-where we going?"
"Business trip,as long as you're my secretary you are supposed to come with me.... right Megan?"
"Huh?"nabiglang bulalas niya.
"Para namang gulat na gulat ka sa sinabi ko,gusto mong makasama ako diba kaya ka pumayag kay mama na maging secretary ko so this is your chance.."sarkastikong wika ni Theo sa kabilang linya.
Napabuntong hininga nalang siya sa sinabi nito.Okay,pagkakataon narin siguro ito para ipakita niya kay Theo na mali ito ng iniisip sa kanya at pagkakataon narin ito para muli siyang mapalapit sa lalake.She should take this chance para mabago ang pagtingin ng binata sa kanya.
"Pack your things and I'll pick you up in 30minutes."
Sasagot pa sana siya ng maputol na ang linya kaya naman ipinatong nalang niya ang
Kanyang cellphone sa side table.Kasunod niyon ay naihilamos niya ang dalawa niyang palad sa kanyang mukha.Another adventure of her life with Theo kaya sana naman sa pagkakataong ito maagaw na niya si Theo kay Althea at ang babaeng yun ibabalik niya mula sa pinangalingan nito.Matapos nga ang mabilisang pag iimpake ito siya nakatayo na sa labas ng malaking bahay ni Malou habang hinihintay na dumating si Theo.Madilim pa ang buong paligid kaya naisip niyang marahil emergency ang business trip nila ng binata.
After a while may pumaradang isang black hilux sa kanyang harapan.Nanatili naman siyang nakatayo na parang hindi niya alam ang gagawin.Hangang sa bumaba ang bintana sa harap niya at nakita niya ang iritadong mukha ni Theo.
"Tatanga ka nalang ba dyan o sasakaya ?"bakas ang pagkaiyamot sa tinig na wika nito.
Saka naman siya parang natauhan at nagmamadaling binuksan ang pinto ng passenger seat at sumakay.
"Kay aga-aga ang init ng ulo."aniya sa sarili.Ikinabit niya ang seatbelt saka umayos ng upo.Saka niya tinapunan ng tingin si Theo na nakatutok na sa daan ang tingin.Ilang saglit pa'y pinaandar na nito ang hilux.Saka naman niya naalala na hindi na pala niya nagawang magpaalam kay Malou,tawagan na lamang niya ang ginang mamaya.
Nabalot ang byahe nila sa nakakabinging katahimikan.Hangang sa hindi na siya nakatiis.
"Eherm....saan po ang lugar na tutunguhin natin Sir..?"basag niya sa katahimikan.
"Cebu."maikling tugon nito na tila ba ayaw ng pahabain ang kanilang pag-uusap.
"Ce-Cebu?"nauutal na wika niya.Pagkarinig ng lugar na pupuntahan nila gumuhit ang kirot sa kanyang puso.Dahil sa pag alaala sa kayang papa.Ipinilig niya ang ulo kung maaari ayaw na niyang bumalik sa bayang iyon.Nang muli niyang tingnan si Theo kita niya ang pagkunot ng noo nito habang nakatingin sa kanya habang ang mga mata nito'y nagtatanong.Kumibot ang mga labi nito na animo may sasabihin pero nanatili lamang iyong tikom bago nito muling ibinaling ang tingin sa daan.
Pagdating sa airport sumakay naman sila ng domestic flight patungong Cebu.At sa kabuuan ng kanilang flight nakatutok lamang si Theo sa laptop nito na waring wala siya sa tabi ng binta.Kaya naman patay malisya nalang siya pinili nalang niyang matulog kaysa isipin pa ang pambabaliwala ng lalake sa kanya.
Hangang matagpuan niya ang kanyang mga paa na nakaapak na sa airport ng Cebu.Muli naramdaman niya ang pamilyar na sakit.Ipinikit niya ang kanyang mga mata saka huminga ng malalim.
"Let's go."pukaw sa kanya ni Theo na nagpatiuna ng lumakad palabas ng airport.Sumunod naman siya habang tulak niya ang cart kung saan naroroon ang kanilang mga gamit.
"Ungentleman."bulong niya.Siya ang babae pero siya ang nagdala ng mga gamit nila.
"Reklamo kapa e syempre ikaw assistant e..."anang munting tinig sa isip niya.
Paglabas nila may nakahanda na palang sasakyan na mag hahatid sa hotel na tutuluyan nila dito sa Cebu.Lumapit sa kaya ang driver ng SUV at kinuha ang mga gamit nila na nasa cart at inilagay iyon sa compartment ng sasakyan.
Si Theo naman ay parang walang kasama na sumakay na sa backseat.
"Salamat."pasasalamat niya driver.
"Walang anuman.."tugon naman ng lalake na may edad narin pero nanatiling makitas ang katawan.Tumango naman siya bilang tugon saka siya sumakay sa backseat katabi ni Theo na ang hawak na naman ay laptop.Palihim niyang naitirik ang mata marahil walang ibang gagawin si Theo dito sa Cebu kundi humarap sa laptop.Umayos na lamang siya ng upo saka itinutok sa labas ng bintana ang kanyang paningin.Pakiramam niya hindi siya nag e-exist sa mundo ni Theo.Pero hindi dapat siya sumuko ito na ang pagkakataon niya para itama ang mga maling tingin sa kanya ni Theo.
________
"Good morning Mr.Montillano..."bati ng receptionist sa kay Theo pagdating nila sa Hotel.
"Good morning.."Malamig na bati naman ni Theo."Where's our room?"
"This way sir..."Wika ng attendant saka nagpatiunang naglakad patungo sa elevator.Kinuha naman ng bellboy ang kanilang mga gamit.Sumunod naman sila ni Theo sa babaeng attendant.
Ilang sandali pa nasa tapat na sila ng isang blackwooden door.
"Here's your room Sir,Ma'am." Nakangiting turan parin ng attendant saka iniabot kay Theo ang susi.
Nabigla siyang tumingin kay Theo habang namimilog ang kanyang mga mata.Nakatingin din ang lalake sa kanya na wari bang hinihintay talaga ang magiging reaksyon niya,anong ibig sabihin nito magkasama sila sa isang silid?
"Thank you.."Si Theo na ibinaling ang tingin sa attendant.
"Welcome sir..."tugon ng babae saka tumalikod na at nilisan sila.
"Magkasama tayo sa isang silid?"gulantang na tanong niya.
"Yes,may problema ba?"seryosong tanong nito.
Adik ba ito natanong pang may problema ba?syempre m
BINABASA MO ANG
He Love's Me He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]
RomanceTago,takbo walang permanenteng tirahan kung baga ang bansag niya sa kanyang sarili ay.NPA meaning NO Permanent Address.Yan ang buhay ni Megan dela Paz, dati buhay prinsesa siya pero ng malulung sa sugal ang kanyang papa nasi Miguel nabaon sila sa ut...