Chapter fifty-three

3.8K 137 56
                                    

Hi there!masusugid kung mambabasa ,One hour lunch ni Inday so Update muna.Bawi bawi din pag may time. And i just want to thank you for all the love and support nyo po sa mga story ko i really appreciate it so much!♥️♥️♥️

1 year ago•••••••

Megan

"Mga ginang at ginoo ilang sandali po lamang at lalapag na po ang ating eroplano sa pambansang paliparalan ang  Ninoy Aquino International Airport.Manatili lamang po tayong nakaupo para sa ating kaligtasan,Maraming salamat po.."Tinig ng isang babae mula sa speaker.

Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan. Habang malaya niyang inilibot sa magandang tanawin sa labas ng eroplano. Makapal na ulap na puting puti ang kaniyang nakikita at ilang sandali pa biglang namasa ang kanyang mga mata sa nagbabadyang luha. Naalala parin niya ang pagkawala ng kanyang magiging anak at tuwing maalala niya ang naging dahilan ng pagkawala ng bata sa kanyang sinapupunan napupuno ng suklam ang kanyang puso para sa mga taong may kagagawan niyon.

Isang taon na ang nakakalipas mula ng mangyari ang trahedyang iyon sa kanyang buhay. Matapos niyang makalabas sa ospital pinuntahan niya agad si Althea sa kulungan at pinadama niya dito ang kanyang galit,pero sa kasamaang palad patuloy na nakakalaya ang taong bumaril sa kanya at ngayon sa pagbabalik niya gagawin niya lahat ng paraan upang mahuli ang kriminal nayon!.

Nang mga panahon naiyon palagi siyang umiiyak at lahat ng iyon nasaksihan ni Malou. Sa araw araw palaging nag tatangka si Theo na kausapin siya pero nasusuklam siya dito.Kaya naman nag disisyon ang si Malou na ipadala siya sa Netherlands para doon mamalagi at magbagong buhay.

Ayaw pa niyang bumalik ng pilipinas pero wala siyang magawa dahil sa kahilingan ni Malou. Hindi maganda ang kalusugan nito at nais nitong siya ang mag asikaso ng lupang nais nitong Bilhin sa Santa Clara. At dahil malaki ang utang na loob niya sa babae gagawin niya ang  lahat para makabawi sa lahat ng kabutihang ginawa nito sa kanya.

At ngayon nga handa na siyang harapin ang lahat ang bangungot na nangyari sa kanya. At handa narin siyang harapin si Theo.Biglang my kung anong kurot siyang naramdaman sa kanyang puso sa pagbanggit sa pangalan ng lalaki. Pag nagkakausap sila ni Malou sa Telepeno wala itong nababangit tungkol kay Theo. Nasusuklam siya sa lalaki at lahat ng pagmamahal niya para dito ay nauwi na lamang sa pagkasuklam.

Ilang sandali pa tuluyan ng lumapag ang eroplanong sinasakyan niya at muli isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.

"This is it Megan you have to be ready".wika niya sa sarili.

Paglabas niya ng airport naghihintay naman sa kanya ang driver ni Malou na susundo sa kanya si Mang Ernie."Maligayang pagbabalik ma'am Megan".masayang bati sa kanya ng matanda. Sa loob ng isang taon para yatang mag naubos ang buhok ng matanda sa natatandaan niya medyo makapal pa ang buhok nito noon ngayon halos wala na.

"Salamat po Mang Ernie.." nakangiting wika niya na ipiniksi ang kakatwang tumatakbo sa kanyang isipan. Binuksan ng matanda and passenger seat para sa kanya at nagpasalamat naman sya dito bago siya sumakay. At expected na niya na sasalubong sa kanila ang kahabaan ng traffic at hindi nga siya nagkamali

Halos isang oras ang tagal ng pinaglakbay nila bago nakarating sa mansion.Muli siyang pinagbukas ng pinto ni mang ernie saka nito kinuha ang kanyang bagahe sa likod ng sasakyan. Inilibot niya ang paningin sa paligid walang pinagbago ang mansion ,nanatitili paring nakatayo sa harden ang dalawang puno ng pine tree na sa pagitan nito ang isang maliit na water falls.

Bumalik ang tingin niya sa front wooden door ng mansion dahil bumukas iyon at iniluwa si Malou.Malawak ang pagkakangiti nito  sa kanya pero bakas a mukha nito na may iniinda itong karamdaman. Ibinuka nito ang dalawang braso at kaagad naman siyang pumaloob sa mga braso ng ginang."Welcome home Megan.."wika nito sa kanya.

He Love's Me  He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon