Chapter Fourty one

5.1K 235 42
                                    

🙋🙋🙋 I'm sorry po sa matagal na pag'update pero ito na po babawi aketch sana sana magustuhan nyo.






Megan

"If you have a elegant dress wear it.I have a meeting now with Mr.Harry Lopez so I need you to look attractive and beautiful,used your charm to close this deal with Mr.Lopez.."Matabang na wika ni Theo sa kanya.



Kunot noong tumitig siya dito na abala sa paghahanap ng maisusuot na suit sa maleta nito."Kaya mo ba ako sinama dito para landiin ang investor mo?"

Tumigil naman ito sa ginagawa saka tumingin sa kanya."Yes,kasi alam kung dyan ka magaling ang lumandi.Kaya galingan mo Okey para maisara ko na agad ang deal na ito upang makabalik na tayo sa manila..."Sarkastikong wika nito bago muling ibinalika ng atensyon sa ginagawa.


Nagtagis ang kanyang bagang sa sinabi nito,gusto na niyang magwala sa inis dahil sa mga pinagsasabi nito sa kanya,pero kilangan parin niyang mag pasensya.Nandito siya para ibalik ang pagmamahal nito hindi para patulan ang talim ng mga salita nito.Kinalma niya ang sarili saka pinilit ngumiti kahit gusto na niyang maiyak sa sama ng loob.

"Okay,kung yan ang gusto mo I can do it.."turan niya na pinilit wag pumiyok ang kanyang tinig.


"Good.."tugon naman nito bago pumasok sa loob ng bathroom,sinundan na lamang niya ito ng tingin hangang mawala ito sa kanyang piningin.


Kinuha niya ang kanyang maleta at saka iyon binuksan.Kung sino mang Harry ang lalandiin niya dapat ma-impress ito sa kanya para naman kahit papaano matuwa si Theo.

Isa-isa niyang kinuha mula sa loob ng kanyang maleta ang ilang dress na dala niya ,binili ni Tita malou para sa kanya ang mga dress na ito para umano maakit sa kanya si Theo.Napangiti siya ng makita niya ang isang Red sexy mini vintage dress above the knee,ito ang isusuot niya at sana naman hindi lang si Mr.Harry ang magandahan sa kanya pati sana Theo.

"Hey,wag ka nang tumunganga dyan,ayokong malate sa meeting na'to dahil lang sayo."


Napasimangot naman siya ng marinig ang sinabing iyon ni Theo nakalabas na pala ito ng bathroom.Marahan niya itong nilingon saka siya napasinghap ng mabistahan ang ayos nito habang pinupunasan ang buhok ng isang tuyonh tuwalya ,nakatapis lamang ito ng isa pang tuwalya na nakapaikot sa bewang nito.

Napakagat labi siya ng makita ang butil ng mga tubig sa gumagapang mula sa mabalahibo nitong dibdib pababa sa tiyan nitong perkpekto ang pagkakaayos ng abs at pababa pa sa puson nito na may ilang hibla ng balahibo at..naipilig niya ang kanyang ulo,saka niya naramdaman ang pag-iinit ng kanyang pisngi sa isipin kung saan pa patungo ang daloy ng butil ng tubig sa katawan nito.

"Okay kalang ba Megan?"malamyos ang tinig na wika ni Theo.Kaya naman muli siyang napatingin dito na may kakaibang ngiting naglalaro sa mapupula nitong labi.Marahan itong humahakbang palapit sa kinatatayuan niya.


Nataranta naman siya kasabay ng malakas na pagtahip ng kanyang dibdib ,kaya naman marahan siyang napapaatras sa tuwing hahakbang si Theo palapit sa kanya.


Mukhang natataranta ka Megan,natatakot kaba sakin?" Mahinang tanong sa kanya ni Theo na may halong panunukso ang tinig.


"Ako?matatakot hindi ha..." aniya na patuloy sa pag-atras hangang masukol ang kanyang dalawang binti sa gilid ng kama.



Lalo namang lumapad ang ngiti sa mga labi ni Theo na lalong nagpalala ng kanyang nararamdamang tensyon.Ang ngiting iyon namiss niya ang mga ngiting iyon ni Theo,maging ang yakap at halik nito ang matamis na pinagsaluhan nila noon sa isla lahat ng iyon hindi niya makakalimutan.


He Love's Me  He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon