Chapter Eight

7.3K 384 26
                                    

Pag labas niya nang kwarto lumapit agad siya sa nakapinid na pinto.Dahil alam na niyang kwarto na iyon ni Kevin.Kumatok siya pero walang sumasagot kaya naman pinihit niya ang seradura,itinulak niya ang pinto pabukas.Isinungaw muna niya ang ulo sa loob nang kwarto.Nakita agad niya ang blue painted wall.Kaya nasiguro niyang kay kevin nga iyon.Kaya tuluyan na siyang pumasok sa loob isinara niya ang pinto at iginala ang paningin sa loob nang silid.

Napakalaki nang kwarto ito para sa isang bata.Maging ang king size bed ay napakalaki rin para kay kevin.

"Kevin" mahinang tawag niya.Pero wala siyang narinig na tugon.

Narinig naman niya ang lagaslas nang tubig mula sa isang nakapinid na pinto.

"Marahil naliligo ito.."bulong niya.Dumako rin ang mata niya sa White towel na nasa ibabaw nang kama.Lumapit siya sa kama at kinuha ang towel.At tinungo niya ang labas nang nakapinid na pinto para hintaying matapos si kevin sa paliligo inihanda na niya sa kanyang mga kamay ang towel na ibabalot niya dito.

Hanggang marinig niya ang pag tigil nang tubig sa pag lagaslas.Tanda nang tapos na itong maligo.Nang makita niyang pumihit ang doorknob inihanda na niya ang isang matamis na ngiti at ibinuka narin niya ang towel.Tuluyang bumukas ang pinto.

At biglang nabura ang ngiti sa kanyang labi dahil salip na si Kevin ang mabungaran niya ay hindi.Ang Naked na si Theo ang bumungad sa kanya.Nanlaki ang mata niya at umawang ang bibig nakailag beses niyang nalunok ang laway dahil sa tanawin.Tumutulong tubig sa buhok nito pababa sa mukha patungo sa leeg hangang sa maskulado nitong dibdib at patungo sa may tiyan nito na may walong pandesal na animo nakaukit na.Dumadaloy pa ang tubig pababa sa pinakaimportanteng bahagi nang katawan nito.

Maging itoy nagulat din sa kanya hindi ito agad nakakilos hawak parin nito ang doorknob habang namimilog ang matang nakatingin sa kanya.

Nabitiwan niya ang hawak na towel nang mapadako ang tingin sa pagkalalaki nito. at wari doon natauhan si Theo mabilis nitong isira ang pinto.

"Get out! Sigaw nito mula sa loob nang bathroom.

Napapitlag naman siya at parang ipo ipong mabilis na nagtatakbo palabas nang kwarto.Nang maisara ang pinto ,nang hihinang napasandal siya sa dahon nang pinto dahil pakiramdam niya parang mapupugto ang kanyang hininga.Naramdaman niya ang pawis sa kanyang noo.

Hindi siya makapniwala sa nakita.

Pasok ka nang pasok nakakahiya!Pano mo siya haharapin ngayon grabe ka megan ang tanga tanga mo!

Natampal niya ang noo ano nalang mukhang ihaharap niya sa kanyang Amo.Grabe nakita na niya ang lahat dito.Bumalik sa balitaw -taw niya ang pagkalalaki nito at doon naramdaman niya ang pagiinit nang kaniyang mukha.Ipinilig niya ang ulo para alisin iyon sa isipan.

Pero ang kanyang labi bigla nalang gumuhit ang isang ngiti.Hindi niya mapigilang kiligin.

At maya maya pa ang ngiti sa kanyang labi ay nauwi sa isang malakas na halakhak.Dahil nakakatawa ,nakakatawa ang unang araw niya.

"Eneng,may nangyari ba?"

Napatigil ang kanyang pagtawa ng marinig ang tanung na iyon ni aling Liza.

Agad niyang itinikom ang bibig at napapahiyang tumingin dito.

"Wala po manang..."sagot niya.

Nakakunot naman ang noo nito habang nakatingin sa kanya.Pagkatapos dumako ang tingin nito sa pintong kinasasandalan niya.

"Nang galing kaba diyan sa kwarto ni Sir Theo?

Agad namang namula ang pisngi niya sa tinuran nitong iyon.Bumalik nanaman sa balitawtaw niya ang hubad na katawan ni Sir Theo.

He Love's Me  He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon