Chapter fourty two

5K 269 30
                                    


Theo

Kulang nalang magutay-gutay na ang beef stick sa kanyang plato.Hindi niya mapigilang manggalaiti sa galit dahil sa pagiging sweet ni Megan kay Harry.Sila ng lalake ang magka-meeting pero ito at nakay Megan ang buong atensyon nito,kinalimutan nitong may kailangan silang pag-usapan.

At ito namang si Megan mukhang enjoy na enjoy.Panay pa ang hagik-hik sa tuwing may kinukwentong nakakatawa si Harry at panay rin ang pabirong hampas ng malanding babae sa braso ni Harry.Tumaas ang kanyang kilay ng hagipin ni Harry ang kamay ni Megan at ikulong sa mga kamay nito.Nagtagis ang kanyang bagang ng sandaling natahimik ang dalawa at nagkatitigan.Na para pang wala siya sa harap ng mga ito.

Hangang nakita niyang unti-unting bumaba ang ulo ni Harry palapit sa mukha ni Megan,pakiramdam niya umakyat lahat ng dugo niya sa kanyang ulo kaya naman sinadya niyanh tabigin ang baso ng wine na agad tumapon at lalo niyang ikinainis natapunan ang kanyang pants.

"Oh shit!"bulalas niya upang maagaw ang atensyon ng dalawa at nagtagumpay naman siya.

"Ohh what happened?"Agad na tanong ni Harry sa kanya.


"I accidentally bumped the glass.."tugon niya.



"Okay kalang Sir Theo?" Si Megan na agad tumayo at lumapit sa kanya.Isang katakot-takot na tingin ang ipinukol niya dito na kung nakakamatay lang marahil kanina pa ito bumulagta sa sahig.

Kumuha si Megan ng tissue at akmang pupunasan ang kanyang nabasang pants,pero agad niyang tinabig ang kamay nito at mabilis siyang tumayo.

" Will you please excuse me Mr.Harry  I need to go to restroom.."turan niya ng may diin.

"Okay Mr.Montillano,take your time , Megan is here to assist me."Nakangiting wika ng lalake na malagkit ang pinukol na sulyap kay Megan.Sinulyapan naman niya si Megan na gumanti ng ngiti sa lalake na lalo niyang ikinainis.


"Yeah she is..!"wika niya saka walang lingon likod na naglakad  palabas.





Megan Pov


"You know what I like your smile,your killer smile.."Turan sa kanya ni Harry.Napatawa naman siya sa sinabi nito kasabay ng pabirong hampas sa braso nito.

Sinulyapan niya si Theo na noon ay nagtatagis ang bagang habang nakatingin sa kanila,Nakakmatay ang tinging ipinupukol nito sa kanya.Napakislot naman siya ng hagipin ni Harry ang kanyang kamay at ikulong sa palad nito.

Napatingin siya ka Harry na ngayon ay titig na titig sa kanya.

"Hmmm  Megan mukhang umaayon sayo ang sitwasyon.Pagkakataon muna para patayin sa selos si Theo."wika ng munting tinig sa kanyang isip.

Kanina pa niya nahahalatang galit na galit si Theo sa kanya at gusto na niyang matawa dahil kulang nalang madurog ang beef stick nito na hindi naman nito kinakain panay lang ang gayat nito na halatang gigil na gigil sa pagkain.


Nakita niya ang unti-unting pagbaba ng ulo ni Harry palapit sa kanyang mukha.Pero hindi siya umiwas kung ito lang din naman ang paraan para mapalabas niya ang tunay na nararamdaman sa kanya ni Theo gagawin niya kahit magpahalik pa siya sa iba.Ipipikit na sana niya ang kanyang mga mata ng biglang magsalita si Theo.


"Oh shit!"


Sabay silang napatingin dito ni Harry,natabig ni Theo ang wine glass nito kaya naman tumapon ang laman niyon sa mesa at sa suot nitong pants.

He Love's Me  He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon