Megan
"Oras na para maligo.."aniya habang hinuhubaran ng damit si Kevin.
"No!" Bulalas nito bago siya itinulak.Kaya naman napaupo siya sa sahig.Pagkatulak sa kanya nag tatakbo naman ito palabas ng silid.
Umuusok ang ilong na sinundan niya ito ng tingin.Mauubusan siya ng dugo sa batang ito.Sarap pitikin sa tenga.
Iiling iling na tumayo siya at mahinang tinapik ang nasaktang puwitan.Habang nag lakad palabas ng silid para sundan ang salbaheng si Kevin.
Pag labas niya ng silid inilinga niya ang mata pero hindi niya ito nakita.Marahil nagtago ito alin man sa mga nakapinid na silid.
Dumako ang tingin niya sa nakapinid na silid ni Theo.Naisip niyang baka pumasok roon si Kevin.
Napakamot siya sa ulo,sa totoo lang dalang dala na siyang pumasok sa silid ni Theo dahil baka kung ano nanaman ang makita niya.
"Hmmm,kasalanan mo itong batang salbahe ka." Bulong niya sa sarili.
Lumapit siya sa nakapinid na pinto at mahinang kumatok.Ng isa,dalawa at hangang tatlo pero walang nag bubukas o kaya naman tumutugon.Kaya naman pinihit niya nag seradura hindi iyon nakalock kaya naman tinulak niya iyon pabukas.
Sinadya niyang hindi iyon buksan ng sobra.Isinuong niya nag ulo para sumilip sa loob pero malinis na silid ang bumulaga sa kanya at net na net na pag kakaayos ng kama.
Sumalong naman sa ilong niya ang mabangong halimuyak ng silid ni Theo na humalo ang colonge nito na palagi niyang naamoy sa tuwing mag kakalapit sila.
Kaya naman hindi niya mapigilang mapapikit.Para mas'lalo pang samyuin ang mabangong halimuyak ng silid ni Theo.
"Miss Dela paz.."
"Ay paspas ng pagaspas!" Nagulantang na bulalas niya.Sa pagkagulat dumulas ang kamay niyang nakahawak sa doorknob kaya ang siste nawalan siya ng balanse at padapang bumulagta sa sahig.
"Ah..." daing niya ng lumapat ang mukha sa matigas na tilefloor.
Narinig niya nag malakas na hagikhik nang salbaheng si Kevin.
Nakakahiya,megan nakakahiya ka!" Aniya sa isip.
Mariin niyang ipinikit ang mata.Hindi niya kayang humarap kay Theo.Sobrang kahihiyan nanaman ang nagawa niya.
"Megan,are you alright?" Narinig niyang tanung ni Kevin.Naramdaman din niya ang paghawak nito sa kanyang balikat.Kaya naman pigilan niya ang sariling mapakislot.
Pinanatili niyang pikit ang kanyang mga mata.Paninindigan na niya ang pag papanggap na nahimatay.
"Megan.." muling tawag ni Theo habang inaalog alog siya.Pero hindi siya kumibo.
Maya-maya pay naramdaman niya ng itihaya siya ni Theo.Lalo na siyang na'tense.Ano kayang reaksyon nito habang nakatingin sa kanya?
Hanggang maramdaman niya ang pagsuot ng isang braso nito sa gitna ng likod niya at sahig.At sa pagitan ng kaniyang dalawang hita at sahig.
"Oh bubuhatin niya ko,hehehhehe kilig." Aniya sa isip.
Hanggang maramdaman niyang para na siyang idinuduyan at maramdamang lumapat ang likod niya sa malambot na kama.
"Kevin,find aling Sofia at mag paligo kana sa kanya.."narinig niyang turan ni Theo.
"Is she dead daddy?" Tanung ng maliit na tinig ni Kevin.
BINABASA MO ANG
He Love's Me He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]
RomanceTago,takbo walang permanenteng tirahan kung baga ang bansag niya sa kanyang sarili ay.NPA meaning NO Permanent Address.Yan ang buhay ni Megan dela Paz, dati buhay prinsesa siya pero ng malulung sa sugal ang kanyang papa nasi Miguel nabaon sila sa ut...